TLLLVP16: The Fight Against The Ten Dangerous Bandits (part 2)

158 6 0
                                    

TLLLVP16: The Fight Against The Ten Dangerous Bandits (part 2)








Third person's  point of view
(Author's Narration)




"Poison vines!" Sigaw ni Miley at kaagad na inatake si Sinco ng mga vines na puro matutulis na tinik.




Sa gulat ni Sinco sa nangyari hindi niya nagawang mailagan ang napakabilis na pag bulusok ng mga poisonous vines na puro tinik. Natamaan siya kaliwang braso at kanang binti. Nakaramdam siya ng hilo at parang maduduwal siya.




Unti unting nanghina si Sinco at habol hiningang nakahawak siya sa kanyang leeg. Parang ibinabalik ni Miley kay Sinco ang ginawa nito kay Miley. Ang pahirapan muna bago tuluyang patayin.





Medyo naigagalaw na ni Miley ang kanyang katawan. Senyales na unti unti nang humihina si Sinco kaya lumuluwang na ang kapit ng pagkontrol ni Sinco sa kanya.




"Mud monster Mudji, I summon you!" Sigaw ni Miley at ibinuka ang kamay bago niya ituro sa lupa. Kamay lang hanggang bewang ang kayang igalaw ni Miley. Hindi pa siya makaalis na kanyang kinaroroonan.




Lumabas ang isang halimaw na gawa sa putik. Parang isang tao ito sa hulma ngunit gawa sa putik na malagkit.



"Attack him! Burry him alive!" Sigaw na utos ni Miley sa kanyang summoned mud monster na si Mudji.


Habang nanghihinang nakaluhod sa lupa si Sinco ay mabilis siyang inatake ng mud monster ni Miley.

Hindi nakaiwas si Sinco dahil parang na paralyzed siya sa poisonous vines ni Miley.

Ibinuka ng mud monster ang kanyang dalawang kamay na gawa sa putik at isinaklob ito kay Sinco. Si Sinco ay hindi makagalaw dahil sa lagkit ng putik. Unti unting uminit ang katawan ng mud monster na naging dahilan ng pag sigaw ni Sinco dahil sa sakit. Parang nalalapnos ang kanyang balat.


Unti unting lumubog ang mud monster sa lupang mabasabasa na kung titingnan ay parang putik talaga ito. Kasamang lumubog si Sinco. Para tuloy siyang nalulunod sa isang kumunoy.




Kasabay ng pagkawala ni Sinco na nasa ilalim na ng lupa, nalibing ng buhay. Si Miley ay tuluyan ng nakagalaw ng malaya at wala ng kumokontrol sa kanyang katawan.


She gasped for air dahil lubusan siyang hiningal sa laban nila ni Sinco. Napaupo nalang siya sa lupa na nilagyan niya ng malalambot na damo.









Sa dako naman ng mga prinsepe. Sila'y kasalukuyang nilalabanan ang mga bandidong kanilang kalaban.

Si Aries ay kalaban ang twin bandits na si Siyam at Sampu. Silang dalawa ay Snakes and Centipedes manipulator.

Hindi naman nahirapan si Aries sa dalawang bandidong kanyang kalaban.


"Centipede man and Snake man. Ano suko na ba kayo?" Mapang asar na tanong ni Aries sa dalawang bandidong kanyang kalaban. Kahit na nang aasar siya ay hindi parin maiaalis ang pagka cold ng tono niya.



"Mamamatay ka!" Sabay na sigaw ng dalawang bandidong kanyang kalaban. Nainis sila sa pang aasar ni Aries.

Biglang naging triple ang dami ng mga ahas at alupihan, na kanina ay sakto lang para sakupin ang lugar na pinaglalabanan nila.

Lahat ng iyon ay ginawa lang yelo ni Aries. Hindi siya nahihirapan sa kanyang kalaban dahil mga mabababang uri lamang ng bampira ang mga ito.

The Long Lost Legendary Vampire PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ