TLLLVP01: HERA VALEIRY

311 6 0
                                    

(Long chapter awaits...)










"Hera!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko si Droy lang pala. Tss ang jerk kong manliligaw.







"Hera! Wait!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko kaya naman tinawag niya ulit ako. Talagang sinigaw pa ang pangalan ko. Kaya lahat ng tao dito sa hallway nagtinginan sa akin.






Bigla nalang may humila ng kamay ko at iniharap niya ako sa kanya. Ang kulit talaga ng Droy na ito. Kahit campus Crush/Heartthrob/king pa siya. He's not my type anyway. Dahil alam ko sa huli masasaktan lang ako sa kanya. Why? Simple, because he's a playboy! Kung akala niya mauuto niya ako, pwes hindi!





"Hera naman, please give me a chance para patunayan sayo na mahal kita." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Really? Wow good actor! Pwede ng mag artista! Galing umacting eh.








"You're not my type!" Inis na sabi ko sa kanya kaya naman nagbulungan ang mga tao sa paligid namin.





"Grabe si Hera, tinanggihan ba naman si fafa Droy"

"Pabebe, pa hard to get!"

"Lodi ko na yan si Hera petmalu eh!"

"Whoaaa first time ma-reject ni king Droy!"




Mga bulungan ng mga nanunuod sa amin. Should I say mga chismoso at chismosa. Chismokers club! Hiyang hiya naman yung Chainsmoker band sa kanila. Edi sa kanila na si Droy! Duhh I'm not interested! Hindi ko rin naman inaagaw sa kanila si Droy.






"What?" Di makapaniwalang tanong ni Droy. Tss, slow jerk. Puro pag papacute lang yata alam neto eh. Ang sarap ipalapa sa mababangis na lobo.





"I said let go of my hands, don't you ever bother me again and please stop this nonsense act of yours!" Sabi ko sa kanya at hinila ko ang kamay kong hawak niya. Yuck lang! I need a hand sanitizer.





"Wa-" pinutol ko ang sasabihin ni Droy.





"Bye, boy version of flirt!" Sabi ko sa kanya at nag hair flip. Yeah I'm brave enough para kalabanin ang lalaking pamangkin ng may ari ng academy na ito. I don't care!






Napa 'boom' at 'burn' naman ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin. May mga teachers din na nakakita ng pamamahiya ko kay Droy. Tss I don't care anyway.






Nag lakad na ako papuntang classroom namin at ang mga taong nakaharang sa dinadaanan ko ay nagsisitinginan at nagsisihawian. Great! Instant sikat na pala ako dahil sa ginawa ko sa campus king nila kuno. Sa totoo lang nakakairita ang mga tingin nila. I hate attention. Mas gusto ko pang hindi ako nag eexist sa paningin nila. Buti pa mga nerds.







Nandito na ako sa loob ng classroom at nakaupo na ako sa upuan ko dito sa pinakadulo. Like what I said, I hate attention. I'm not an attention seeker.




Dahil wala pa ang teacher namin para sa oras na ito magbabasa muna ako ng wattpad. Gustong gusto ko talaga yung mga written stories ni the Great and Handsome author H.T.A.L.F also known as TheGreenChopstick_23.






Pansin ko ang mga matang nakatingin sa akin na tila ba ay minaman manan ang bawat kilos ko. Pag tingin ko sa mga kaklase ko. Great just great! Lahat sila nakatingin sa akin.






The Long Lost Legendary Vampire PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora