TLLLVP04: Finding My Queen

182 7 0
                                    

MILEY ERTHEA pronounced as MAYLI ERTEYA)

TWICE Momo on the media!









Hera's  point of view



"Val? Yuhoo! Miley the beautiful girl is here!" Sigaw ng babaeng malakas ang boses sa baba. Grabe next time yung sound proof na kwarto ang ipapagawa ko.





Bumaba ako at nadatnan ko si Miley na nandito. Nakangiting tagumpay. Weird. Mukhang masaya siya ngayon ah.





"Anong masamang espirito ang nagdala sayo dito?" Tanong ko at nag crossed arms habang nakataas ang kaliwang kilay ko.





"Labas ka dali!" Sabi niya sa akin at hinila ako pero hindi ako nagpadala sa paghila niya. Anong trip ng babaeng toh? Naka shabu yata 'to eh.






"Why? Busy ako dahil bukas aalis na ako dito, sa academy ako mag stay dahil may dorm dun." Sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. Baka minsan nalang kami magkita kasi kapag nag aral na ako sa lilipatan kong academy.





Dapat ngayong araw kami aalis ni mama kaso sabi niya hindi daw tuloy dahil may aasikasuhin siya. Pero enrolled na daw ako.





"So iiwan mo na talaga ako?" Pagdadrama niya saka nag pout. Tsk parang bata.





"Drama mo, saka ikaw rin naman eh laging nang iiwan. Gantihan lang!" Pambabara ko sa kanya. Haha epic yung reaksyon ng mukha niya eh.





"Eh saang school ka lilipat?" Tanong niya sabay upo sa sofa. Nagkibitbalikat nalang ako dahil maski ako hindi ko rin alam kung saan ako ililipat ni mama.





"Bakit mo ako pinapalabas?" Tanong ko sa kanya. Eh pano ba naman kakarating palang niya kanina pinapalabas agad ako.





"Uhm I just want you to meet my friend slash classmate. He's so handsome!" Sagot niya with excitement tone. Eh? May kasama siya tapos pinaghintay niya lang sa labas. Lakas talaga ng trip neto.





"He? Lalaki? I'm not interested. Umuwi kana at baka mainip yung kasama mo sa labas." Sabi ko sa kanya at lumungkot naman yung mukha niya.





"Sige na please... kahit saglit lang." Pakiusap niya pero umiling ako. Nag pacute pa siya pero still no ang sagot ko.





"Oh Miley! You're here." Sabi ni mama na kakarating lang. Nakipagbeso siya kay Miley at humalik sa pisngi ko.





"Uhm tita may nakita ba kayong naghihintay sa labas?" Tanong ni Miley at umiling lang si mama at nagtungo sa kitchen.





"Bye na nga lang ayaw mo naman lumabas eh hmp." Pagdadrama niya ulit. Haysst!





"Aishh! Fine lalabas na!" Sabi ko kahit napipilitan lang kaya lumabas na kaming dalawa.





Nasa labas na kami ng gate at parang may hinahanap siya at palinga linga sa paligid pero wala naman akong nakitang ibang tao. Pinagloloko lang yata ako netong si Miley eh.





"Oh ano na? Wala naman eh." Sabi ko at akmang papasok na ako sa loob ng gate ng higitin niya ang kamay ko. Haysst problema ba nito at atat siyang ipakilala yung kaibigan niya.






The Long Lost Legendary Vampire PrincessWhere stories live. Discover now