TLLLVP14: The Encounter

173 5 0
                                    







Hera's   point of view


Ngayon na ang araw ng paglalakbay papunta sa iba't ibang vampire districts. Kahapon ay ipinatawag ako ni Headmaster Takahata sa office niya at nadatnan ko dun ang powerful vampires.








- Flashback -



"Makakabalik na kayo sa dorms niyo powerful vampires." Sabi ni Headmaster Takahata sa powerful vampires na nandito ngayon sa office niya.




Nagpaalam sila kay Headmaster at sa akin bago sila tuluyang umalis. Samantalang ako ay nanatiling nakaupo dahil powerful vampires lang naman ang pinabalik niya sa dorm.





"Pasensya ka na iha kung ipapadala kita sa isang misyon. Alam kong wala ka pang sapat na training at baguhan ka pa lamang. Ngunit makatutulong sayo ang misyong ito upang mahasa mo pa ng husto ang iyong abilidad." Paliwanag ni Headmaster Takahata. Tumango ako bilang pagsang ayon.





"Ngunit paano po ang powerful vampires? Ayos lang ba sa kanila na kasama ako? Baka maging pabigat lamang ako sa kanila." Tanong ko kay Headmaster. Baka kasi mamaya ako pa ang maging dahilan ng hindi nila pagtagumpay sa misyon.






"Don't worry iha, sinabihan ko na sila tungkol sa pag sama mo at pumayag silang tulungan ka sa paghasa ng abilidad mo." Sagot ni Headmaster Takahata sa aking tanong. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Malaki ang maitutulong ng powerful vampires sa pagtre-training ko.





Lumipas ang ilang minutong pag uusap namin ni Headmaster Takahata. Puro paalala at dagdag kaalaman lang ang aming pinag usapan. Puro bilin lang ng mga dapat kong gawin. Ipinaliwanag rin niya kung para saan ang misyon.





- End of flashback-









Sinabi ni Headmaster na ang misyon namin ay kailangan naming pumunta sa iba't ibang vampire districts upang hanapin ang nawawalang vampire witch. Ang kanyang pangalan ay Shaira Chants. Dahil nasa kanya ang Gem of blood, na kayang bumuhay ng bampirang namatay na ngunit may limitasyon lang ang kapangyarihan ng Gem of blood.






Ang dala ko lamang ay isang backpack na sakto lamang ang laki. Tubig, pagkain, first kit at extra clothes lang ang laman nito. Nagdala rin ako ng daggers at kunai. Sabi kasi ni Headmaster na huwag daw magdala ng masyadong marami. Ang mga kakailanganin lang ang dapat naming dalhin dahil may pamilihan naman sa vampire districts.










***




Nandito na kami sa tapat ng academy gate at hinihintay lang namin si Miley. Kahit kailan talaga ang bagal niya kumilos. Nandito rin si Zian na kanina pa tingin ng tingin sa akin at nginitiian ako. Baliw na yata ang loko.






"Hey everyone!" Sigaw ni Miley na may bitbit na sako. Eh sako? Anong laman nun?




"Hay nako kahit kailan talaga ang bagal mo kumilos!" Inis na sabi ni Victoria. Nice, nagtatagalog rin pala ang isang ito.





"Ano iyang dala mo?" Tanong ni Dione kay Miley na parang engot na pangiti ngiti.





"Bomba." Sagot ni Miley at ngumiti ng malapad. Mukha siyang tanga promise.




"Ahh, stone bomb." Sabi nalang ni Dione.




"Ngayon kumpleto na kayo. Handa na ba kayo sa inyong misyon?" Tanong ni Headmaster Takahata.





The Long Lost Legendary Vampire PrincessWhere stories live. Discover now