TLLLVP12: Fighting The Monster

211 5 0
                                    


(Author: bigyan naman natin ng Point of view ang ibang characters hehe. Sorry sa mga errors!)













Hanily's   point of view



"Kailangan natin ng damo para maihalo na dito." Sabi ng kaklase kong si Ikko na tumatayo bilang leader namin sa assignment.






"Anong klaseng damo? At saan tayo kukuha?" Tanong naman ng isang kagrupo ko na si Ynna.






"Walang nakalagay na uri ng damo kaya kahit anong damo nalang siguro." Sagot ni Ikko na aming leader.





"Saan naman tayo kukuha ng damo?" Tanong ko. Kanina pa kasi ako tahimik na naghahalo dito sa jar.





"Sa garden nalang." Suggestion ng kagrupo naming si Vic. Tumango naman kami bilang pag sang ayon





"Huwag dun!" Napataas bigla ang boses ng kagrupo naming si Yumi na kapatid ni Ikko. Nagtaka naman kami sa inakto niya.





"At bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay ko. Ang weird kasi ng inasal niya.




"Sa field ka nalang kumuha Vic, para mas malapit." Sagot ni Ikko. Ngunit si Yumi ay hindi sinagot ang tanong ko sa kanya sa halip ay umirap lang ito.





"Okay." Sagot ni Vic bago siya lumabas ng silid para kumuha ng damo sa field.









Nandito nga pala kami ngayon sa isang kwarto na pwede mong gamitin para sa pag gawa ng potion. Assignment kasi naming gumawa ng size shifting potion. Kailangan kami ang makakuha ng pinakamataas na points para tumaas ang grades namin at makatutulong ito para mas umangat ang rank ko.








Ako nga pala si Hanily Park, half Korean half Filipina. Pure blood vampire, from center district vampires clan. Grade 12 section A+. Sa first section ako nabibilang kaya nirerespeto at kinakatakutan kami ng iba lalo na ang lower grade level like grade 11 pababa. My special abilities are mind reading, levitation, and super punch.






I'm glad dahil may naging bagong bestfriend ako at iyon ay si Hera, also known as Val. She's kind and understanding kahit na minsan tipid mag salita at puro tango, iling at senyas lang ang isasagot niya sayo. Pero medyo nagiging madaldal narin siya. Nahawa na siguro sa akin. Pinagtataka ko lang dahil hindi ko mabasa ang kanyang isipan. Bakit kaya hmm.






Galit ako sa powerful vampires, lalo na kay—









"Classmates! M-may.. may.. ha-hal..limaw s-sa fi-fie..ld!" Nanginginig at pautal utal na sabi ni Vic sa amin. Pawisan siyang nagmamadali pumasok sa pintuan. Mukhang nag marathon ang isang ito ah hahaha. Parang hinabol ng zombies kagaya sa napanood ko.







"Ano? Ayusin mo kaya Vic! Hindi ka namin maintindihan!" Naiinis na sabi ni Ynna. Oo nga naman ayaw kasing ayusin yung pananalita niya eh. Huminga si Vic ng malalalim habang nakahawak sa magkabila niyang tuhod bago magsalita.








"May halimaw sa field!" Sigaw niya habang hinihingal pa. Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.




"Ano?!" Gulat na sigaw naming lahat ng sabay sabay. Nanti-trip ba ang baliw na ito?





The Long Lost Legendary Vampire PrincessWhere stories live. Discover now