TLLLVP11: Discovery

206 8 0
                                    




Hera's   point of view


Nagising ako ngayong umaga na masama ang pakiramdam ko na para bang may kung anong enerhiya na gustong lumabas sa aking katawan. Parang may magnet na humihigop sa lakas ko. Ewan ko ba ang weird ng feeling ko ngayon. Ilang beses na akong nag kasakit pero never pa nangyari ang ganitong pakiramdam. Kakaiba eh.





I think I should sleep well. Hindi muna ako papasok. Masama talaga ang pakiramdam ko. Anytime pwede akong mag collapse dahil sobrang sama talaga. Gusto ko ng gumaling.











"Val, do you want me to stay here para mabantayan kita?" Concerned na tanong ni Hanily sa akin. Umiling ako para sabihin huwag na lang.







"Are you sure? Mukhang mataas lagnat mo. Dalhin na kaya kita sa clinic." Sabi niya habang inaayos yung mga gamot sa side table ko.







"I'm fine Hanily. I can handle myself, so take a bath and go to your class." Sabi ko sa kanya kahit medyo paos na ako dahil sa sakit ko. Nginitiian ko siya para hindi siya mag alala. She nodded and headed to our bathroom.







She's really a good friend. She's like Miley. Kaya pareho ko silang kaibigan dahil malaki rin ang pagkakapareho nila. Lalo na yung care at concern nila para sa akin.











After mag ayos ni Hanily ng kanyang sarili ay agad niyang hinanda ang mga kailangan ko para daw kapag umalis siya ay hindi na ako mahirapan magkikilos. Matapos iyon ay umalis na siya para pumasok sa klase.








Pumikit na ako ng mata at natulog dahil masakit ang aking ulo. Aishh this headache!













Asverte laviste mashi ornado laviaso verdim urmis vendela cerebles apasus consivende farum...


Asverte laviste mashi ornado laviaso verdim urmis vendela cerebles apasus consivende farum...


Asverte laviste mashi ornado laviaso verdim urmis vendela cerebles apasus consivende farum...




Let your power be released...












"Be released!" Sigaw ko at bigla nalang akong napabangon. Shit! Ano ba ang panaghinip na iyon. Parang may nagsasalita sa dilim.








Kinapa ko ang pawisan kong noo at bigla nalang sumakit ang ulo ko. Nanginginig na rin ako. Parang nasusuka ako ngunit wala namang lumalabas sa aking bibig. Nasasakal rin ako. Hindi ako makahinga! Nababaluktot na rin ang aking katawan. Wala na ako sa control! Please someone help me.








"Arghhhhhh!!" Namamalipit na sigaw ko. Nahihirapan na ako. Kailan ba ito titigil. Ayoko na!






And everything went black...













The Long Lost Legendary Vampire PrincessWhere stories live. Discover now