TLLLVP15: The Fight Against The Ten Dangerous Bandits (part 1)

165 6 0
                                    

TLLLVP15: The Fight Against The Ten Dangerous Bandits (part 1)

















Third person's point of view (author's narration)





Sa gitna ng gubat ay may naglalaban laban, at ito ang grupo ng powerful vampires at ang mga bandido.



Nais gawing bihag ng mga bandido ang mga estudyante ng Vampires Academy upang maisatupad nila ang kanilang planong digmaan.





Kung sinuswerte nga naman ang mga bandido dahil nakasalubong nila ang powerful vampires na estudyante rin ng Vampires Academy. Kaagad nila itong sinundan ngunit naramdaman ito ni Hera kaya kaagad niyang ipinaalam sa kanyang mga kasamahan na may sumusunod sa kanila.






Lumabas ang mga bandido sa kanilang pinagtataguan at kinausap ang powerful vampires upang magpakilala bago nila simulan ang laban.







Matapos ang usapan ay sumugod na sila ng sabay sabay.






Ang kalaban ni Hera ay ang lalaking kilala bilang 'otso' isa siyang bampirang walang awang pumapatay ng mga inosenteng bampira upang makakuha ng pera mula sa kanyang pinapaslang.







Tinakot pa ni otso si Hera upang ito'y sumuko na lamang ngunit nagulat siya sa sinagot ni Hera. Parang walang takot ito sa lalaking kanyang kalaban.





Sumugod si otso kay Hera gamit ang kanyang malaking palakol. Tinagurian si otso bilang Axe Man dahil sa husay nito sa pag gamit ng palakol.





Samantalang si Hera ay puro ilag lang at hindi niya inaasahan na malakas rin ang kanyang magiging kalaban. Muntikan na siyang mataga malapit sa kanyang braso at mabuti nalang ay nakapag teleport kaagad siya. Gulat ang naging ekspresyon ng bandidong si otso.





Nagteleport si Hera sa likod ni otso at hinawakan niya ito. Inisip ni Hera na mamamatay ang kanyang kalaban. Nagulat si otso sa pagkawala ng kanyang hininga at pagbilis ng tibok ng kanyang puso ngunit bigla itong tumigil. Senyales na wala na siyang buhay. Tuluyan ng naging abo si otso at naglaho na ito. Tagumpay si Hera. Patay na si otso.








Samantalang ang iba ay abala sa pakikipag laban sa isa't isa.













Sa gawi naman ng prinsesa ng fifth district vampires clan na si Victoria. Ang kalaban niya ay babaeng mahaba at itim ang buhok. Isang doll manipulator. Siya ay kilala bilang si 'Quatro' isang babaeng puno ng inggit sa puso. Kinaiinggitan niya ang mga babaeng maganda, mapabata o matanda pa ito. Kaya lagi niyang nilalagyan ng strings ang mga ito upang makontrol niya at mapatay.





Sumugod si Quatro kay Victoria. Ginamit ni Quatro ang kanyang string upang makontrol si Victoria, ngunit mabilis ang naging pagkilos ni Victoria. Nagulat si Quatro sa naging kilos ni Victoria dahil parang isang kidlat ito kung kumilos.




Kaagad pinatamaan ni Victoria ng Lighting blades si Quatro ngunit nailagan ito ni Quatro gamit ang kanyang sinummon na manika. Ngumisi si Quatro kay Victoria na hindi nagustuhan ng malditang si Victoria.






Dahil sa inis ni Victoria sa inakto ni Quatro, nag summon siya ng Lighting Jaguar. Bahagyang nagulat si Quatro dahil hindi niya inaasahang malakas ang kanyang magiging kalaban.




"Isa ka palang maharlika?" Tanong ni Quatro kay Victoria.




"Oo, bakit nagulat ka ba?" Sarkastikong sagot ng malditang si Victoria. Napangisi lang si Quatro at nag umpisa na muling sumugod.






The Long Lost Legendary Vampire PrincessWhere stories live. Discover now