Special Chapter

138K 4.3K 634
                                    


"VAUGHN PAST"


            NAGISING si Vaughn sa isang maliit na kwarto. Kaagad na nilukob ng takot ang batang lalaki dahil hindi pamilyar ang kwarto sa kaniya at bahagyang gumagalaw ang kwarto.

Agad siyang napatingin sa pinto doon nang bigla iyon bumukas.

"Dad," tawag niya sa lalaking pumasok.

Ngumisi ang ama nang makita siya. "Oh. Gising na pala ang anak ko," sarkastikong anito.

Kaagad isiniksik ni Vaughn ang maliit na katawan sa gilid ng kama, natatakot na saktan ang ama.

Biglang bumalik sa kaniyang ala-ala ang nangyari bago siya nakatulog. His father is literally crazy right now, ang huli niyang natatandaan ay may kaaway ang kaniyang ama sa murang edad ay alam niya ang ilegal na ginagawa nito.

His father's enemy threatened his father hawak ng mga ito ang mommy niya at papalayain ng mga ito ang ina niya kapalit siya.

Life exchange of life.

He heard their conversation through phone and he clearly heard that his father agreed to that.

May ipinainom ito sa kaniya kagabi kaya nakatulog siya. He was so scared alam niyang mahal na mahal ng ama niya ang mommy niya ganon din siya pero natatakot siya sa mga mangyayari.

Bakit siya?

"Don't worry son we will get your Mom," ani at tinapik ang maliit niyang balikat.

"D-Dad ano pong gagawin natin?" Gusto din naman makatulong ni Vaughn sa ama gusto rin niya makuha ang ina.

Hindi umimik ang ama kaya hindi na siya nagtanong, inilibot niya ulit ang paningin doon niya nalaman na nasa Yacth sila.

Pagkadating nila sa lugar kung nasaan ang ina niya ay mahigpit siyang hinawakan ng ama pababa sa yacth at hinarap ang mga tao.

"Nasaan ang asawa ko?!" sigaw ng ama niya.

"Ibigay mo ang anak mo kapalit ng asawa mo!" ani ng lalaki at inilabas ang mommy niya nakatali ang kamay.

Naiiyak na si Vaughn dahil sa nakikita pero mas nagulat siya ng ipalapit siya ng ama sa nga kalaban.

"D-Dad?" takot na tanong niya.

"Save your mother Vaughn," madiin usal nito.

Wala sa sariling naglakad siya malapit doon. Mabilis na nakuha ng ama niya ang mommy niya kasunod noon ay malakas na putukan nakipagbarilan ang ama niya sa mga lalaki habang siya ay nagtago sa isang galon doon.

Ilan sandali ay may humawak sa braso niya.

"Let's go son," ang ama niya ito. Sabay silang tumakbo papunta sa yacht na ginamit nila kanina habang wala pa ang kalaban.

Niyakap siya ng ina niya.

"Anak!" ani at umiiyak.

"Mommy! Mommy mabuti po at ligtas kayo." Masayang ani Vaughn habang pina-andar naman ng daddy niya ang bangka.

Naghiwalay sila at ganon na lang ang gulat ni Vaughn ng may tumama sa braso niyang bala dahilan para mahulog siya dagat.

"Vaughn!"

"Mommy! Daddy!"

Kumakawag-kawag siya lalong lumalakas ang putok, kitang-kita niya kung paano kumalat ang kaniyang dugo sa dagat.

Kita niyang nakatingin sa kaniya ang magulang, parang bigla na lang siya tinanggalan ng ulirat ng mabilis umandar ang sinasakyan nilang bangka.

Umiiyak na nakatingin sa kaniya ang ina habang hinahampas nito ang ama niya at ang daddy naman niya ay sumigaw sa kaniya.

"Babalikan ka namin anak!" ani ng ama at paunti-unti ng nakalayo.

Naiwan siya sa dagat habang pilit na lumalangoy na habulin ang magulang pero huli na nahuli na siya ng mga kalaban.

Lumipas ang araw ay hininty ni Vaughn ang magulang na kunin siya pero walang dumating hanggang umabot ng buwan at taon.

Nang magsampo si Vaughn ay nasali na rin siya sa organisasyon. Sinanay at pinalaki siya kasama ang mga masasang tao. Naging isa siya sa kanila hanggang magkaron siya ng mga sariling kayaman ay napagpasyahan niyang tingnan ang mga itinuring niyang magulang na nang iwan sa kaniya.

Akala niya makikita niya ang mga ito na miserable pero mali siya. He saw them happy habang may hawak na isang bata that's his younger brother. Nagka-anak pala ng bago ang mga magulang niya.

That made him cold to everyone ayaw na niyang magpakita ng emosyon.

Ayaw na niyang mag tiwala, sarili nga niyang magulang trinaydor siya.

Nalaman ng mga magulang niya na buhay pala siya, nagsorry ang mga ito at nagpapaliwanag pero balewala na kay Vaughn iyon. Tapos na ang lahat at hindi na mababago ang katotohanan na iniwan nila ang anak.

Hindi na rin niya tinawag na mommy at daddy ang mga ito para kay Vaughn matagal na silang nawalan ng anak.

That accident cause phobia to Vaughn. Takot siya sa tubig dahil paulit-ulit na bumabalik ang ala-ala niya na iniwan siya ng sariling magulang sa dagat.

Pakiramdam niya ay wala ulit magliligtas sa kaniya kapag nalunod siya.

Kaya naman noong may isang babae nagligtas sa kaniya pinangako niya sa sarili na gagawin niya lahat makuha lang ang babae.

***

Sweet EvilWhere stories live. Discover now