Chapter 24

92.9K 3.1K 257
                                    

Phytos's POV

One year later...

"Natalie are you ready?" I asked her.

"Yes," aniya at binigyan ako ng simpleng ngiti. Hindi ko maiwasan mapatitig sa maamo niyang mukha.

Nakasakay kami ngayon sa kotse para dumalo sa isang business party. Isang taon na simula ng nanganak si Natalie. Kita kong seryoso niyang mukha halatang may galit ang mga mata niya. Sa tagal kong nanahimik ay ito ako ngayon at babalik upang maningil kay Navarro.

Sigurado rin akong magugulat siya kung sinong kamuka ng kasama ko. I feel excited and nervous at the same time, excited sa kung anong pwedeng mangyari at kaba na baka mawala sa akin si Natalie.

Pero masiyadong malaki ang aking tiwala sa kaniya.

"Tandaan mo nandoon si Navarro," paalala ko sa kaniya, tumango naman siya.

"I don't forget that Phytos. Alam ko naman ang mission ko," aniya saka bahagya akong nilingon. Pinisil pa niya ang aking kamay.

I smiled secretly. Inalalayan ko siya bumaba sa kotse ng makarating kami sa dadausan ng party.

Madaming kilalang tao ang nandito, ang iba ay normal na negosyante at ang iba ay katulad kong may tinatagong maduming negosyo.

I wore a black armani suit while Natalie wore a off shoulder black gown that suited to her well.

Hindi rin halatang nanganak siya ng dalawa sa katawan niya. Higit na mas maganda siya sa mga ibang babae rito.

Sabay kaming naglakad papasok habang nakasunod lang samin ang bodyguard ko. Naka-angkla ang kaniyang kaliwang kamay sa kanang kong braso.

Naagaw na namin ang atensyon ng ibang tao sa bulwagan at itong babaeng kasama ko ay taas nuong naglalakad.

She change a lot. The way she speak ibang-uba na pati ugali niya, but still of course she's still the most adorable woman I've ever met. Wala akong masabi kaya kahit ayoko ay talagang hulog na hulog ako sa kaniya. Siya lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito pagkatapos kong dumaan sa hirap sa madaming taon pagka-wala ng aking kapatid.

"Dumating na si Navarro kasama ang dalawa niyang tauhan," pasimpleng bulong ko sa kaniya pagkaupo namin.

She let a loud breath. "Okay, magpapakita na ako sa kaniya. I think oras na," simpleng sagot niya at tumayo papunta sa gawi ni Navarro.

I watched her walk gracefully and I'm thankful that she's mine.

Third Person's POV

Sa kabilang banda ay kakapasok lang ni Vaughn sa event, suot niya ang seryosong mukha at nakakakilabot na awra. Mas lumaki ang pangangatawan niya at mas dumagdag pa ng appeal ang makapal niyang kilay. Ayaw niya sanang pumunta pero may isa siyang ka-deal dito.

Nasa likod niya si Bill at Cash. Naglalakad siya habang nakapamulsa.

"Vaughn!"

Mapapikit siya at napahinto sa boses na 'yon. Ang babaeng ka-boses ni Yvette.

Lumapit ito sa kaniya, nakasuot ito ng red na gown. Simula nang nakilala niya ito sa harap ng bar ay ilang linggo lang ay nalaman niyang anak ito ng isa niyang ka-business partner.

"Kathleen..." simpleng bati niya.

Ngumiti naman ang dalaga ng pagkatamis-tamis. He can't feel anything. Magkamuka nga sila ng boses ngunit wala siyang maramdaman.

Alam niyang may gusto ang dalaga sa kaniya, hindi iyon lingid sa kaniyang harapan. After one year ay heto ito't sunod nang sunod sa kaniya bigla na lang susulpot kung saan-saan.

Sweet EvilWhere stories live. Discover now