Chapter 15

118K 4.1K 1.8K
                                    


Yvette's POV

Kumaway ako kay mama palabas na siya ng bahay ni Vaughn. Nagkausap na kami at nag sorry siya dahil daw sa inasal niya sa akin.

Hindi raw nila alam na kasal na kami ni Vaughn.

Mabait naman pala siya, ito lang si Vaughn ay seryoso ang mukha sa harap ng mama niya bakit kaya? Ni hindi man siya ngumiti at nagpaalam sa mama niya.

Siguro ay pinapalo siya noong bata siya o kaya may pinabili siya tapos hindi nabili, hays nako si Vaughn talaga ang isip bata.

"Let's go inside," sabi ni Vaughn saka hinawakan ako sa kamay.

Nawiwili na siyang humawak sa kamay ko. Hehe, gusto ko naman e.

"Sabi pala ni mama bumisita raw tayo sainyo minsan," kwento ko habang papasok na kami. Gusto ko rin kasi maka-punta sa bahay nila baka marami rin doon pagkain.

Seryoso lang ang mukha ni Vaughn na nilingon ako kaya ngumiti ako.
Bakit kaya hindi man lang siya ngumiti? Hindi ba nangangawit bibig niya kakasimangot.

"Hindi tayo pupunta," malamig na usal nito kaya napasimangot ako. Ang daya naman eh! Siya pinapapunta ko sa bahay namin tapos siya hmp!

"Bakit naman? Bahala ka pupunta ako si Ben10 na lang isasama ko," wika ko bigla naman napatigil si Vaughn at hinarap ako.

"Who's that fucking Ben10?!" Natawa ako sa tanong niya, hindi nga pala nanunuod ng TV si Vaughn.

"Hindi ko sasabihin! Ble!" natatawang wika ko saka tumakbo papasok, narinig ko pa sumigaw si Vaughn pero hindi ko na siya nilingon.

"I'll kill that Ben10!" Hahaha. Loko-loko talaga si Vaughn paano niya mapapatay si Ben10 ang dami nitong alien.

Pagpasok ko ay nakita ko si Bill at Cash kumaway lang ako sa kanila naramdaman ko naman nasa likod ko na si Vaughn.

Uupo na sana ako sa isang sofa doon nang may naalala ako.

Oo nga pala nagbake ako ng cupcake! Yey!

Third Person's POV

"Diyan lang kayo ha, nagbake ako ng cupcake!" masayang pahayag ni Yvette, napangisi si Vaughn dahil alam na niya ang lasa nito.

Prente siyang umupo sa sofa, pinanuod pumasok sa kusina ang asawa. Hmm my baby, I'm sorry you have to see me like this in front of my mother. I can't forgive them. I can't.

"Ayos, makaka-tikim tayo ng cupcake!" bulong ni Cash kay Bill.

Bumalik si Yvette na may dalang isang tray ng cupcake, maganda ang itsura nito may mga design pa sa itaas.

"Sige na kuha na kayo, ako gumawa niyan!" ani Yvette na masaya dahil maganda ang istura ng gawa niya hindi siya nagpatulong sa mga maid sa bahay kahit pa nagpupumilit ang mga ito.

Hays, baka kasi makagulo lang sa creativity niya, baka pumanget ang lasa.

"Ayos!" ani ng dalawa at sabay kumuha.

Pagkasubo nila ay agad silang naduwal ngunit bago pa man nila maluwa ay nakarinig na sila ng pagkasa ng baril.

"Oh Vaughn bakit ka may baril?" takang tanong ni Yvette.

"Wala 'to. Nagpa-practice lang ako para sa pelikula ko. Hindi ba artista ako?" ani Vaughn halatang inu-uto lang si Yvette. Masyado kasi itong inosente kumbaga, hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin ang totoo.

Masyadong literal ang lahat ng bagay. Masyadong positibo.

Sabay na napa-lunok si Bill at Cash na tumingin kay Vaughn na hawak ang isang handgun na pinapaikot-ikot pa nito sa kamay.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon