Chapter 9

121K 4.7K 534
                                    


• Bill's Point Of View •


Natawag ko na lahat ng santong kilala ko. Nakatatlong ama namin at dalawang abe maria na ako.

Nakayuko kami ngayon sa harap ni Master, kasama ko ang lalaking hindi nabubuhay kapag walang condom si Cash at kasama namin ang driver, apat na body guard ni Madam.

Ngayon ko lang siya nakitang natataranta. Dahil dati ay kahit kanino at anong problema sa organisasyon ay hindi siya nakikitaan ng emosyon ngayon ay nakakatakot siya dahil nagiging itim ang awra niya.

Na para bang kapag isa sa amin ang gumalaw ay bigla na lang niya kaming babarilin.

Bakit ba kasi ako nasama rito e. Mahal ko pa ang buhay ko!

"You dog! I swear if anything happens to my wife. I will fucking kill you all of you! Do you hear me? Kahit mga ka apo-apuhan niyo uubusin ko!" sigaw niya sabay balibag ng isang vase na pinaka malapit sa kaniya. Tumama iyon sa paanan namin malapit sa gawi ng mga body guard. "Binabayaran kayo ng maayos, gawin niyo ang trabaho niyo ng maayos!"

Kami naman ni Cash ay tahimik lang sa gilid, hinahanda ko ang sarili kong iharang si Cash kapag sakin ibabalibag ang mga gamit o kaya pag biglang bumaril si Master sa gawi ko talagang iharang ko si Cash.

Delikado lalo't nandito kami sa office niya buti at sound proof.

Mag-iisang oras ng nawawala si Madam. Hindi ito sumasagot sa tawag ni Master, bigla na lang itong nawala sa mansyon kaya itong si Master ay nagiging monster na. Geez!

• Yvette's POV •


"Hay salamat nakarating din!" masayang usal ko ng makita ko ang 'Navarro Corporation' buti na lang at natatandaan ko pa ang papunta dito.

Paano ba naman, pupunta ako kay Vaughn ngayon dahil kahapon ay sabi ko bibigyan ko siya ng cake pero umalis kami kaya hindi niya nakain.

Kaya ginawa ko ay pumunta ako sa isang bake shop at nagpatulong ako kung paano. Buti at mabait ang matandang may ari saka nag bayad naman ako sa mga ginamit ko gamit ang binigay na pera ni Vaughn.

Syempre inuto ko rin ang may-ari.

Masaya akong naglalakad papasok. Dala-dala ko ang cake na binake ko para kay Vaughn, hindi ako marunong pero tumulong naman ako mag halo ng ingredients sa matandang may-ari.

"Good Morning po!" bati ni Manong guard.

"Good morning din po Manong." masiglang usal ko. Nakasuot ako ng t-shirt na hello kitty at pantalong maong. Noong nakaraan kasi ay binili ako ng mga damit ni Vaughn saka kinuha ko rin ang damit sa bahay.

Pumunta ako sa babaeng nakaupo sa isang lamesa doon.

"Good norning ate girl, nandyan ba si Vaughn?" tanong ko habang ngiting-ngiti.

Hindi ko kasi alam kung nandito siya syempre bilang artista ay madami siyang taping tapos may work pa siya dito kaya baka busy siya.

Pinasadahan niya ako ng tingin napakagat labi na lang ako ng taasan niya ako ng kilay. Baka kamag-anak to ni Celine.

"May appointment po ba kayo?" aniya pero halatang mataray.

Umiling ako dahil wala naman talaga ako non.

"Bawal po kayo pumunta sa kaniya kung walang appointment Miss," aniya mas diniin ng huling salita.

Napanguso na lang ako sa sinabi niya, sayang naman 'yung cake baka nalusaw ang ising.

Aha! Tama, sabi ni Vaughn pag pupunta ako sasabihin ko lang ang pangalan ko.

"Ate pwede hanapin niyo po Yvette Ramos po," ani ko. Yes! Makakapasok na ako.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon