Chapter 25

94.1K 3.1K 539
                                    

Phytos's POV

Nakatingin ako kay Natalie habang nilalaro ang kambal sa crib.

Sina Erl Vaxiel at Yliana.

Isang lalaki at babae, isang taon na sila at malulusog. Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin sa mag-ina ko.

Napukaw lang ang aking atensyon ng may kumatok sa pintuan.

"Sir may nagha-hanap po sa inyo," ani ng isang tauhan ko. Tiningnan ko si Natalie at nakangiting tinanguan lang ako nito nilapitan ko siya saka hinalukan sa noo bago ako lumabas sa  kwarto.

Pumunta ako sa library.

Nakita ko ang isang babae naka-dekwatrong upo habang umiinom ng wine.

"Napadalaw ka Celine ang tagal natin hindi nagkita or I should say Kathleen?" pagak akong tumawa.

Tinaasan niya ako ng kilay at pinanuod na umupo sa kaharap niyang sofa.

"Tss. Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagfe-feeling asawa at ama sa hindi naman talaga sayo?" sarkastikong usal niya kaya nawala ang ngiti sa aking labi.

"Huwag mo pakielaman ang plano ko gawin mo ang sayo," aniko.

Sumimsim siya ng wine. "Bakit ba kasi hindi ko na lang ginaya ang mukha ni Yvette? Napagaya ko nga ang boses niya at kilos pero hindi ang mukha," inis na singhal niya.

Napairap na lang ako sa pagkaarte niya.

"Iyan ang huwag mong gagawin. Ginaya mo na si Natalie pinayagan kita pero pag pati mukha niya ay ako na ang makakalaban mo," banta ko sa kaniya. Hindi ko alam ang plano niya.

"May pa Natalie ka pa di 'yan e Yvette ang pangalan non!" Ngumisi siya sa akin.

"Sige ilakas mo nang marinig niya at mabulilyaso tayo!" inis na baling ko sa kaniya.

"Tsk. Paano pagka-nakaalala na 'yan ha?" aniya.

Ngumisi ako.

"Ano akala mo sakin hindi gumagawa ng paraan? Pinapainom ko siya ng gamot sinasabi ko vitamins pero ang totoo ay pinapabagal nun ang recovery niya from amnesia." aniko.

Ngumisi naman siya.

"Eh ikaw? Kamusta naman ang pang aakit mo kay Navarro? Isang taon ka na doon pero wala pa rin tsk. Nasan na 'yong sinasabi mong alindog?" pang-aasar ko.

Nagsalubong naman ang kaniyang kilay.

"Masiyado niyang iniisip ang asawa niya pero sisiguraduhin ko bibigay rin siya," may pagmamalaking usal niya napailing-iling na lang ako.

"Anong alam ni Yvette?" tanong niya ulit nang tumahimik ako.

Sumandal ako sa sofa.

"Sa ngayon ay galit siya kay Navarro. Dahil ang alam niya ay pinatay nito ang mga magulang niya. Syempre naniwala siya sa akin kaya ginagawa niya ang plano ko," aniko at nagsalin ng wine.

Ngumiti naman siya.

"Good to heard that mabuti na't kasuklaman niya ang sarili niyang asawa," aniya animong nanalo sa lotto. "Mukhang nakabuti pa nga ang aksidenteng nanyari noon," aniya.

Bumalik naman sakin ang nangyare ng gabi na yon.

          Nakaplano na talaga na makikita ni Yvette ang gagawin ni Celine sa office ni Navarro alam kong makikita niya 'yon dahil naka-abang lang ako sa labas.

Nang lumabas siyang umiiyak ay agad ko siyang pinasakay sa aking kotse. Nakalayo kami at naka-abot sa headquarters ko, pinatulog ko siya kaya hindi siya nakapalag.

Duon ko na tinawagan si Vaughn syempre gumamit ako ng device para hindi makilala ang boses ko. Ang boses ni Yvette na nira-rape ay hindi talaga si Yvette. Si Celine iyon na umaarte lang siya, ayon na rin sa plano.

Bago pa man mangyari ang plano sa kompaniya ni Navarro ay nakapag pa-opera na si Celine ng kaniyang boses.

Pinalabas namin ginahasa si Yvette. Pinahubadan ko rin si Yvette sa maid ko at pinapicturan ko para mas maniwala si Navarro.

Ang taong nasa Yate ay hindi talaga si Yvette. Isa lamang iyon sa mga tao na kinidnap ng mga tauhan ko at pinatay inilagay ko doon ang kwintas na suot ni Yvette.

Alam kong ipapa-check ang katawan ni iyon ni Navarro kung match sa asawa niya kaya binayaran ko ang mga doctor.

Nang magising noon si Yvette ay nag-aya na siyang umuwi dahil hinahanap na raw siya ng asawa niya.

Sinabi kong ihahatid ko siya ngunit ang totoo ay sa iba kami pupunta. Gabi na noon at malakas ang ulan.

"Phytos hindi naman ito 'yong papunta sa bahay namin," aniya napansin niyang sa iba kami pupunta.

Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ang pagpapatakbo. I need to take her away! Nagulat ako ng kagatin niya ang braso ko kaya nagpagewang-gewang ang sinasakya namin.

"Shit!" mura ko nang babangga na kami sa puno.

Wala na akong ibang naisip kundi ang ikulong siya sa braso ko para mailigtas.

Hindi ko siya balak mapahamak balak ko lang siya ilayo hindi patayin.

Nang gabi na 'yon ay na-ospital kami mas nauna akong naka-recover sakaniya. Puro sugat lang ang meron ako ngunit siya at tumama ang ulo niya sa bintana.

Kaya nagka-amnesia siya.

"She's okay now. Hintayin na lang natin ang paggising niya para makita kung naapektuhan ang kaniyang alaala at mabuti na rin at malakas ang kapit ng baby niya."

Napatingin ako sa Doctor.

"Baby?"

"Yes, you're the husband right? She's four weeks pregnant."

                DUON NABUO ang aking plano na itago siya. Nang mag kamalay siya ay wala nga siyang maalala ang tangi niyang naalala ay nag pipicnic daw siya sa isang lawa natulog siya at pagka-gising niya ay nasa ospital na siya.

Ang alam din ni Yvette ay boyfriend niya ako at ako ang ama ng mga anak niya. Inako ko ang obligasyon. Tinuring ko siyang reyna sa aking palasyo.

Pati ang mga anak niya ay kahit kailan ay hindi ko tinuring na iba. Siguro nga't galit ako kay Navarro pero hindi ko magagawa idamay ang anak niya.

Minsan natatawa rin ako dahil kapag nakikita ko ang mga bata kahit maliliit pa ang mga ito ay kamukang kamuka ni Navarro.

Never din kaming nagtabi sa higaan ni Yvette siguro ay nararamdaman niya rin hindi siya komportable makasama ako sa isang kama kaya hiwalay kami ng kwarto.

Wala naman sa akin iyon as long as nasa akin sila. Kaya ko naman maging asawa at ama, naniniwala kong unti-unti ay mamahalin niya ako.

Aaminin ko nuong una ay wala akong nararamdaman kay Yvette at gagamitin ko lang siya.

Ngunit ako rin pala ang nabihag sa sarili kong plano. Nahulog ako sa kaniya hindi siya mahirap mahalin, maalaga at mabait siya.

Laging nakangiti at nakatawa.

At hindi ako nagsisisi inilayo ko siya dahil sisiguraduhin ko maipapakasal siya sa akin at ako ang kikilalaning ama ng mga anak niya.

~*~

Sweet EvilWhere stories live. Discover now