Chapter 22

96K 3.3K 1K
                                    


Third Person's POV

"Are you fucking kidding me? Bakit hindi niyo siya makita?!" sigaw ni Vaughn at binalibag ang cellphone na hawak niya ng ibalita ng tauhan na hindi pa rin makita si Yvette.

Bigla naman napa-iyak si Cash pagkalabas ni Vaughn sa silid na iyon.

"Pare okay lang 'tan makikita rin natin si Madam," pag-aalo ni Bill kay Cash habang tinatapik-tapik pa ang balikat nito.

"Hindi naman 'yon tol, cellphone ko 'yong binalibag ni master eh. Hindi ko pa tapos hulugan 'yang Vivo tol, tapos binasag ni master! Homaygud!" histerikal na wika ni Cash at nanlulumong pinupulot ang basag niyang cellphone.

         GABI NA ngunit hindi pa rin nila nakikita ang asawa niya. Kaka-uwi lang din niya galing sa paghahanap, galing sa mga lugar na maaring puntahan ng asawa pero wala.

Naikuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa nangyari kanina lahat ng iyon ay pagkakamali lamang.

Ngayon ay nawawala ang asawa at ni hindi makita ng mga walang kwentang tauhan niya.

Hindi naman pwede makalayo si Yvette, wala itong pera at wala itong alam na lugar dito kaya napaka imposible na makalayo ito ng ganon.

"Fuck! Where are you honey?!" inis na singhal niya at napasabunot na lang sa sarili.

Hindi niya kakayanin ng konsensya niya kapag may hindi magandang nangyari sa asawa.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang kaibigan.

"Speed, hindi ako magpapaligoy-ligoy! Trace the fucking location of my wife. May tracking device sa singsing niya,I need it now," madiin aniya.

"Mag kano bayad?" ani ng nasa kabilang linya, blanko ang boses.

"Name your price saka na lang tayo mag-usap!" Binaba na niya ng tawag sa kaibigan.

Naalala niya ang nangyari kanina at talaga naman baka mapatay niya si Celine kapag hindi niya naiuwi ang asawa.

~
Pabagsak na ini-upo ni Vaughn ang sarili sa sofa sa office niya. Kakatapos lang ng meeting niya at ang dami niyang pinirmahang papeles para sa isang pinapagawang resort na ang Navarro's corporation ang may hawak.

Dumagdag pa ang problema sa organisasyon. Walang balita sa mga kalaban nila ngayon at iyon ang nakakapagtaka kung bakit tumahimik ang mga ito.

Saka nakipag-usap na rin siya kay Don Nestor, nakita na nila ito na nagtatago sa isang isla.

Importante ang kwintas na 'yon bukod sa mahal ang diyamante doon ay may naka-tagong SD Card sa loob no'n. Ibedensya siya lahat ng ka-walang hiyaan ng kalaban grupo, kapag naibigay niya iyon sa kaibigan ay tapos na ang misyon niya sa organisasyon nito.

Tapos na ang utang na loob na ipinangako niya kay Speed.

Pinatong niya ang braso sa mukha para takpan ang mata. Magpapahinga lang siya sandali at uuwi na siya sa asawa niya.

Kanina ay tumawag ito, ngunit nasa gitnang meeting siya at gustong-gusto na niya matapos iyon para makauwi kaagad kaya naman pinatayan niya ng tawag ang misis.

Hinilot niya ang sentido, dahil sa pagsakit non. Fuck!

Nagising si Vaughn na may maramdamang umiindayog sa ibabaw niya at may gumagalaw sa bibig niya. Kumunot ang nuo niya nang makita si Celine sa ibabaw niya naka bra na lang ito at gumigiling sa ibabaw niya.

This bitch.

Kahit mag hubad ito sa harap niya ni hindi siya tinigasan dito. Akmang tutulak na niya ito ng may marinig siyang pag bagsak napatingin siya duon at ganon na lang ang gulat niya makita si Yvette namaluha-luha na.

Sweet EvilWhere stories live. Discover now