Chapter 31

62 0 0
                                    

 

Chapter 31

 

 

 

Bianca’s POV

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa park. Kanina pa rin kami Paulit-ulit ng sakay sa Space Shuttle at Jungle Log. Basang basa na rin kami pero ayaw pa rin magpa-awat ni Ate kasi paborito niya talaga ang ride na yun.

“ Psst psst.”

“ Oh, bakit? “

“ Tignan mo yang bestfriend mo, hindi makapagsaya dahil sa linta na yun. Hehe.“ sumenyas si Ate sa gawi nila Shaun.

Totoo naman, kasi ayaw sumakay ni Shaira sa Jungle Log kasi wala daw siyang dalang extra damit at naka-skater skirt pa. Kasi naman eh, mag-eenjoy ka dito sa park hindi rarampa. -_-

“ TARA! Last Jungle Log! Tapos Dinner na tayoo! “ Aya ni Ate kaya lang yung mga kasama naming mukang ayaw nang sumakay dun.

“ Ate Tina, ilang beses na tayong sumasakay dyan eh.”Kamot ulong reklamo ni James.

“ Faye,yung manliligaw mo nagrereklamo! Alam na! Bawas points yan. “ Parinig ni Ate habang papunta kami ulit sa pila ng Jungle Log atsaka humarap kay James  at sumenyas na ‘patay siya sakanya’

Napatingin ako sakanila at nakita kong natatawa lang si Faye at si James biglang Segue nang….

“ De! To naman Ate Tina! Psh! Jungle Log ba kamo? TARA! Saya kaya dyan!” Saka siya nangunang maglakad papunta sa pila ng ride.

“ Babe, pwede bang sumama na ko sakanila sa ride? “ Tanong ni Shaun kay Shaira.

“ Iiwan mo ko dito mag-isa?” Taas kilay na tanong ni Shaira sakanya.

“ Sige na please! Promise after nito, last na yun. “

“ Hmmmm…. Sige na nga, saglit lang naman yan diba? “ nakasimangot niyang sagot.

“ Oo naman. Salamat! Dyan ka lang ah, para matatanaw pa rin kita kahit nakasakay ako.  “ Saka siya sumabay sakin sa paglalakad papuntang pila.

“ Uy! Bebs! “ bati ko sakanya, “ Buti nakawala ka sa girlfriend mo? “

“ Hindi ko maiwan eh, mamaya magalit sakin yun. “

“ Psh! Kaya ayokong may bitbitin eh. Hindi ako makakakilos ng maayos. “

“ Sus! Ewan ko sayo! Kung nandito lang si Axel eh. Psh.”

“ Ano naman? Ewan ko sayo..” irap ko ng may mapansin ako “Uy! Bilis ng pila!”

Hindi namin namalayan na kami na ang sunod na sasakay.

By partner nalang ang ginawa namin, kaya ang magkasama...

Si Ate at si Kuya Simon. Anne at Caryl. James at Faye. Ako at Shaun.

Kami ang huling pair na sumakay sa log.

Pinapwesto ako ni Shaun sa may likuran dahil gusto daw niya sa may harapan kaya pinagbigyan ko na. Kawawa eh. -_- Hindi pa nakakasakay ulit sa harapan.

Explanation of LoveWhere stories live. Discover now