Chapter 14

62 1 0
                                    

Chapter 14

" Skills? " basa ko habang kagat kagat ang dulo ng ballpen. Nandito ako ngayon sa study area ng school. Wala kasi akong magawa. Wala sila Caryl, napagutusan sila ng prof namin sa humanities, pero uwian na. Eh, nagpapaantay, kaya naisipan ko lang titigan tong audition form ng HG entertainment. Wala lang. Kanina ko pa kasi hawak at lagi ko rin pala siya dala. -_-

" Awards? " teka.. Sasagutan ko na ba talaga to?

" BEBS!! "

" Ay! Awards! " tinago ko agad ang papel na hawak ko sa gitna ng librong hawak ko atsaka kumuha ng colored paper at kunyareng gumagawa ng origami.

" Uy! Anung awards ka dyan ah? " Tumabi siya sakin.

" Wala! May nabasa lang kasi ako dun oh! " habang may tinuturong " Awarding Room" at nagfofold ng papel.

" Oh? Anung meron dyan? " pagtataka niya, kaya nagpangalumbaba na siya gamit ang kanang kamay niya saka tumingin sa tinuturo ko.

" Nabasa nga lang eh diba? Tsk. " pagtataray ko habang patuloy pa rin sa pagfofold. " Ano na naman kelangan mo? "

" Bebs naman eh! Hindi mo ba ko namiss? " iniba na niya ang pagkakaupo niya, nakaharap na siya sakin pero nasa kanan ko siya. Gets niyo?

" Tsk. Mga ganyan mo, Shaun ah? Umayos ka! Anong kelangan mo? At magrereview pa ko. " habang tinupi ko ang huling dapat gawin para mabuo ang heart na origami at ipinatong sa librong nasa harapan ko.

" Beebs! Pwedeng patuloooong! " lumingon ako kay Shaun na parang nagpapawa na tulungan ko siya.

" Tsk. Ano? " tingin ko ng masama.

" Patuloong sa statistics pwede? " sabay pakita ng puting papel na may nakalagay na Analysis of Variance ang title.

" Statistics? Ikaw ang Business Ad related something student dyan tapos sakin ka magtatanong? Ayos ka ah! "

" Sige na bebs! Pleaaase! Ang dami ko pa kasing gagawin eh. Help mo lang akoo! Dito lang! Promise. Isa lang. " yan na naman. " Lilibre kita ng lunch bukas, promise. " napaisip ako, para kunyare talagang nagiisip ako. Mataray effect munaa ang peg.

" Promise? " napataas ang kilay ko habang tinatanong yan.

Napangiti siya ng kala mo nanalo sa lotto, " Promise! " nagpinky swear pa ang loko. " Yes!! Yes!! Thank you thank you bebs!! " Payakap niyang pasalamat sakin.

" O-Oy! Ano ba! " gumegewang-gewang kasi kami eh.

" Shaun? " kasing bilis ng alas quatro ang pagtulak ko sakanya, dahil sa may tumawag sakanya.

" Sh-shaira!! " hindi nawala ang ngiti ni Shaun na nakita ko kanina, pero nadagdagan naman ng kinang ito.

" H-Hi Bianca! " bati sakin ni Shaira, nginitian ko lang siya bilang sagot.

" Bianca! " napalingon naman kami sa tumawag sakin, si Axel na nakapamulsa. " Uy, Shaun! " bati niya nang makalapit samin, " Hi? shaira. " bati niya at nginitian naman siya ni Shaira.

" Bebs! Promise, lilibre kita bukas! Thank you talaga ah?”  Lumapit siya sa may table ko at kinuha yung origami na heart shape na ginawa ko at bumulong siya “ Mahilig ka naman gumawa nito eh. Akin nalang ah!” sabi niya kaya nagkasalubong ang kilay ko. Tumayo siya ng maayos at sinabing  “Alis na kami! " saka sila tumalikod palayo.

Explanation of LoveWhere stories live. Discover now