Chapter 17

53 1 0
                                    

Chapter 17

“ Shaun?”

“ Eh?”  napangiwi kong sabi. Anong nangyayari? Biglang bumilis tibok ng puso ko.

“ Sabi ko hindi siya pwedeng magkagusto sayo.” Nakatapat na siya sakin ngayon, pero ako nakangiwi pa rin ang bibig ko dahil sa pagkakataka.

“ Akala ko ba, okay lang sayo tapos-“

“ Nang hindi dumadaan sakin.” Tapos umakbay siya sa akin. Bumalik sa normal ang itsura ko tapos maya-maya parang nadismaya na ko. Kasi nung sinabi ni Shaun na wag magkagusto sakin siAxel, akala ko may sasabihin siyang gusto kong marinig pero mali pala ako ng inakala.

Bigla siyang tumingin sakin. “ Oh, bakit bigla kang napasimangot dyan?” tumingin ako sakanya.

“ Ang lalakas ng trip niyo no?” saka tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin at saka naglakad palayo sakanila.

“ Hoy! T-Teka! Bianca!” sigaw ni Axel. Narinig ko namang tumatawa si Shaun.

Hinayaan ko nalang sila doon. Jusko. Ang lalakas ng trip nila! Hindi naman biro-biro ang magsabi ng gusto kita sa isang tao no. Nakakainis. Tsk.

Naglakad na ko papunta sa next class ko. Kasi nasayang ang oras ko sa pagt-tour sa isang taong alam naman pala ang pasikot-sikot dito. Tsk.

Habang papaakyat ako, pinagtitinginan ako. Syempre, ako kasi kasama nung Artista dito kanina. Tsk. Medyo turn off ako sakanya. -_- Tapos napadaan ako sa isang room, maraming mga babae ang nakasilip doon. Kaya alam ko na kung ano ang dahilan. Dumiretso na ko sa room ko at pagkapasok ko…

“ Yo! Bianca!” Caryl habang nakataas ang kamay at saka pumunta ako sa pwesto nila.

“ Bakit wala pa si Ma’am?” Tanong ko sakanila pagkaupo ko. Math class namin ngayon, usually hindi nalalate professor namin dito kasi ayaw daw niyang nalalate siya.

“Ewan ko. Siguro kasi nabalitaan niya na may artista ng nag-aaral dito.” Sabi ni Anne habang binabasa ang math book namin.

“ Ay weh? Sino?” Caryl, na nakangiti pa.

Huminga ako ng malalim at saka sinagot ang tanong niya. “ Si Chris Rodriguez.” Napasimangot ako ng onti. Naalala ko na naman yung kaninang eksena. Okay na eh. Kinilig na ko kasi yung celebrity crush ko nandito at nakasama ko. “ Kaso, sinayang niya oras ko!”

“ Si Chris Rodriguez?” tanong na nakangiti ni Faye. “ Crush ko yuun!”

“ Ako rin! Kaso! Nakakainis! Medyo turn off ako!” naghalukipkip ako at saka sumandal sa upuan ko. Nakabilogkasi ang upuan naming apat.

Kung kanina, may mga sari-sariling mundo ang mga kaklase ko. Ngayon naman, mga nakatingin sila sa akin pati sila Faye. Si Faye at Caryl nakatingin sakin ng medyo na-starstruck, si Anne naman naka baba na ang libro at nakatingin lang sakin ng seryoso.

napaupo ako ng maayos at napatingin din ako sakanila, “ Bakit?”

“ Psst.” Kinalabit ako ni Faye na nasa kaliwa ko.

“ Bakit?” tapos tumitingin-tingin siya sa likod ko. “Ha?” hindi ko gets. Nandiyan na ba yung prof namin? Tumingin ulit siya sa likod ko na parang may tinuturo, kaya onti-onti akong lumingon.

Explanation of LoveWhere stories live. Discover now