Chapter 3

98 2 0
                                    

Chapter 3

“ There are 9 forms of Beginning, they are Questions, Striking, Chronological, Blah blah… “

Hayy… English subject namin. -_- Kaantok naman boses neto, parang Jiggly Puff lang. -_-

*knock knock*

Lahat kami napatingin sa kumatok ng room namin, pagkabukas nito, iniluwa nito ang Vice President ng School.

“ Oh! Good Morning, Music Students. “ Bati niya samin, kaya binati rin namin siya. Syempre tumayo kami. -_- Laging ganun eh, tuwing may mga staff or teachers na pumapasok sa room habang nagkaklase.  Pinupo naman niya agad kami. “ Excuse ko lang ang professor niyo ah, may urgent meeting kasi kami eh. “ Napatingin sakanya ang prof namin, kaya… “ President, Take charge. Okay?  Thank you, Class. Come with me, Mrs. Dela Paz. “ Kaya kinuha ni Ma’am ang gamit niya at sumunod agad sa Vice president ng School.

“ YESS!! Free time! “ sigaw ni Caryl, hay.. tong babaeng to.  Tinignan ko ang orasan ko at meron pa kaming 30 minutes.. Napalingon ako sa pwesto ni Shaira..

“ Yun, kaibiganin mo oh! Tapos, tanungin mo yung mga gusto niya. Basta, iclose mo siya. “

Yan kagad ang pumasok sa isip ko, kaya bigla akong tumayo at tumabi kay Shaira..

“ Hi Shaira! “Nagwave ako sakanya pagkaupo ko sa tabi niya, wala naman nakaupo eh.

“ Hi! Uhmm… Bianca diba? “

“ Yep! At your service. Hihi! “

“ Hehe.. Ah-anong kelangan mo? “ Ngiti niyang tanong sakin, ang hinhin niya! Ang cute ng mata niyaaaa! Pabilog! Parang pusa! Tapos itim na itim ang kulay ng iris niya!

“ Hmm.. Wala lang naman. Kasi ang tahimik mo dito eh. Saka, ikaw lang lagi nandito sa likod. Ayaw mong maki-join samin dun? “ Turo ko sa pwesto namin nila Caryl. Magkakatabi kasi kaming apat eh.

“ Eh.. *kumamot siya ng ulo niya* Nakakahiya kasi eh. Ayoko naman nung parang feeling close ba. “

Nagnod ako, sang-ayon naman ako sa sinabi niya pero “ Ano ka ba! Hahaha! Sige ganito, simula ngayon.. Friends na tayo ah! “

“ Eh? “ nanlaki ang mga pabilog niyang mata.

Ngumiti ako sakanya.. “ Sabi ko friends na tayo. Gusto kitang makilala pa ng husto eh. “

“ A-ah! Osige! Sige! “ Nagnod siya ng medyo mabilis. “Friends na tayo! “ Ngumiti siya ng parang may napalanunan. “ Kasi, isa palang ang nagiging kaibigan ko dito eh. Hindi na naman kami magkaklase kaya yun.. “

“ Sa sikat mong yan? Isa palang kaibigan mo? Asus. “

“ Hehe… kasi nahihiya talaga ako eh. “ medyo yuko niyang sabi.

“ Ano ka ba! Wala ng hiya-hiya! Kwento ka naman tungkol sayo.”

“ Uhmm.. S-sige.. “

Nagsimula na siyang magkwento tungkol sa nagiisa nya daw na kaibigan. Kinuwento niya rin na nasa kabilang school ang mga kaibigan niya. Silang dalawa lang daw ng isa niyang kaibigan ang nasa school namin. Nalaman ko rin na mahiyain rin siya, halata naman sa muka niya eh. Ang amo amo masyado. Kinuwento niya rin na Valedictorian nga talaga siya sa school nila dati. Hindi pa daw siya nagkakaboyfriend, tinanong ko kasi kung nagkaboyfriend na siya. Kaya ayun, kinuwento niya rin sakin na dalawa lang silang magkakapatid, siya ang bunso, ang kuya niya isang photographer. Sayang nga daw eh, sana daw tatlo silang magkakapatid kaso nakunan daw ang mom niya at iyak daw siya ng iyak, kasi gusto niya pa daw kasi magkaroon ng nakababatang kapatid.  Ang Parents naman niya, parehas nagwowork sa America, after daw niyang mag-aral, dun na daw sila matitira.  

Explanation of LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin