Chapter 20

71 2 1
                                    

Chapter 20

Faye’s POV

“ Bakit magkahawak kayo ng kamay?” tanong ko sa dalawang nasa harapan ko ngayon. Napatingin ako kay Caryl na biglang nagwalk out. Patay.

“ Eto kasi, biglang hinawakan yung kamay ko eh.” Saka niya pilitang hinihila ang kamay niya sa kamay ni Axel. “ Bitawan mo na kamay ko!” halata ang pagkakainis sa muka ni Bianca kaya binitawan na niya.

“ Mga bui, alis na ko. Kayo ng bahala sakanya ah?” tumango kami pero bago siya tuluyang umalis may binulong siya kay Bianca.

Nakita ko sa muka ni Bianca ang inis at bakit “ Parang maga mata mo?” tanong ni Anne sakanya.

“ Wala. “ umupo siya sa upuan niya. “ Asan si Caryl?”

“ NagWalk-Out.” Sagot kong diretso sakanya at biglang nanlaki mata niya.

“ Patay!” nasapo niya ang noo niya ng di oras. Kasi alam niyang may ‘something’ si Caryl kay Axel. “ Mag-Explain nalang ako sakanya mamaya.”  Umob-ob siya. Eh, magkatabi pa naman sila. Bahala na nga sila magbabasa muna ako ng libro habang wala pang prof.

Parang hindi ako mapakali. Tsk. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sakin si Philip, sabi niya magtetext daw siya o kaya magp-Pm sakin sa fb, pero ni hello wala. Natutuliro na ko! -_-

Teka! Anung oras na ba, bakit wala pa ring prof? Kahit sabihin mong Apat na subject lang kami, gusto ko ng umuwi para pumunta kela Philip. Para bago siya pumunta ulit ng spain, makapagbonding man lang kami.

*Ping!

Uy, may nagtext! Sana naman si Philip na to.

Inunlock ko ang cellphone ko at pagkakita ko. -_-

From: James Lopezungot

Hi Faye! Miss na kita. Hihi! <3 hart hart!

Kelan ba ko tatantanan nitong James na to? Nakakainis na ah!

Isang buwan nang ganyan yan nung makilala ako niyan nung game nila Shaun. Isa rin kasi siya sa mga players. -__- Lagi niyang sinasabi na gusto niya ko. Anung klaseng laro ba ang meron sila nila Shaun? Pinagtitripan siguro ako nito.

Psh. Bahala siya diyan. Wala akong balak magsayang ng load para sakanya. Kahit unli ako. Para kay Philip lang. -_-

Binaling ko ulit ang sarili ko sa librong binabasa ko at naramdaman ko namang umupo na si Caryl sa tabi ni Bianca. Pagkalingon ko, nakasimangot.

“ Nakasimangot ka dyan?” tanong ko sakanya habang nakatingin ulit sa librong binabasa ko.

“ Nagseselos ako eh! Nakakainis.” Padabog niyang sinabi kaya napa-angat ng ulo si Bianca at humarap kay Caryl.

“ Bui! Wala lang yun. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko! Promise! Walang something samin.”

“ Bakit defensive ka?” nag-crossarms si Caryl habang nakataas ang isang kilay.

“ Ibaba mo nga yang isang kilay mo. Umayos ka. Alam mong may gusto ako kay…. Shaun.” Pabulong niyang sinabi yung pangalan ni Shaun. Napangisi ako dahil umamin din. Tatanggi pa eh.

“ Boom!” pumalakpak ng malakas si Caryl at tumawa. “ Umamin din! I love you, Friend!” bigla niyang niyakap si Bianca. “ I know. I believe you and.” Hinarap niya si Bianca sakanya, “ Please, wag nang tumanggi? Denial Queen forever.” Inikot niya ang mga mata niya atsaka binitawan si Bianca.

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon