Chapter 22.1

49 3 0
                                    

­Chapter 22.1

Bianca’s POV.

“ Walang chansing, pwede?”  saka ko idinilat ang mga mata ko, konti nalang ang distansya ng muka namin kaya nilagay ko ang kamay ko sakanya atsaka hinawi ang muka niya at umupo na ko ng maayos sa kama. Okay. -_- Nahihilo pa rin ako. Hindi ko talaga alam kung bakit ko naisipan ang uminom.

Nakatingin lang ako sa sahig yung isa naman, nakaupo pa rin sa kama ko.

Tahimik…..

Katahimikan….

Hindi ko kaya to. -_-

“ Ang tahimik!” pagsira ko sa katahimikan namin. Limang minutong walang nagsasalita o kumikibo. Tumigin ako sakanya, nakatingin siya sakin tapos biglang lumingon sa ibang lugar. Sus, kunyareng may ibang tinitignan huli na nga. “ Tss.. Practice na tayo.”

“ Kaya mo ba?” tanong niya. Tumayo ako para kunin yung gitara sa may tabi ng kama. Ngumiti ako sakanya,  “ Oo naman. Tara. “

Nagsimula na kaming magpractice ng gagawin namin. Nagkabatuhan pa kami ng asaran pero seryoso mode din naman kami.

“ Bakit di natin subukan?” napatigil ako sa pagvovocalizing ng sabihin niya yan at nanlaki ang mata ko. Tumigil siya sa pagstrum at tumingin sakin. Teka.. hinarangan ko ang dibdib ko. Abnormal ba to? Sa magiging asawa ko lang to ibibigay no! “ Baliw ka na ba? Hindi ko naman sinabing subukan nating gawin yung ano eh.. Tsk. Ano bang utak meron ka?” nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin niya yan.

“ Akala ko kung ano eh.” Napakamot siya sa ulo niya at itinabi niya muna ang gitara.

“ Bakit hindi mo subukan na ako?” napatingin ako sakanya na may halong pagtataka.

“ Ano bang pinagsasabi mo dyan?”

“ Mahal kita.” Medyo na-awkward-an na ko ng sabihin niya yan.

“ Mahal din naman kita, friend no!”

“ yun nga eh. Friend. Friend! As in Friend lang. Ang sakit kaya tuwing naririnig ko yan, lalo na nung nanggaling pa sayo.”

“ Ano… Kasi…” hindi ko alam ang sasabihin ko! -_- Napahawak nalang ako sa batok ko.

“ Bui.” Inangat niya ang baba ko para makatingin sakanya. “ Subukan lang natin magwork. Liligawan talaga kita, kahit gaano katagal. Buwan, taon. Kulang ilang taon ayos lang. Basta makuha lang kita. “ magkatinginan kami sa mata. Mahahalata mo ang sinseridad sa mata niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya.

“ Hindi ko alam kung kaya ko.”

“ Kayanin mo. Alam kong nasasaktan ka ngayon, pero kaya kong tulungan ka.”

“ Ayoko naman gawing panakip-butas ka.”

“ Hindi naman ganun ang mangyayari. Magiging akin din talaga yang puso mo. “

“ Hindi ko alam.”

“ Alam mo.” Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ko sa labi.

Ang first kiss ko!! Hindi ko alam ang gagawin nanlaki lang ang mata ko siya naman nakapikit ang mga mata.

Explanation of LoveWhere stories live. Discover now