Chapter 15

101 1 0
                                    

Chapter 15

Haaay... Linggo ngayon at Wala na naman akong magawa. Kaya ayoko ng walang pasok eh. Nagawa ko na kasi lahat ng mga kelangan kong tapusin kagabi, pati yung assignment si Shaun. Mamaya daw dadaanan niya.

Kinuha ko yung application form ng HG company sa table na katabi ng kama ko. Nakumpleto ko na siyang fill-upan. Pero, hindi ko pa rin nabibigay kay Ms. Mercedez.

* BLAAGG!! * 

" BIANCAAAA!! " natago ko yung papel sa ilalim ng unan ko at napaupo ako sa kama ko ng biglang p sa kwarto ko. 

"Ate geneve? A-anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa dumating?" nakayakap siya sakin ngayon. Si Ate geneve, siya ang girlfriend ni kuya. Ilang taon na sila, kahit LDR. Kayang kaya nila. :3

" Wala laang. Na miss kita eh. " 

" Kanina lang, kasama niya si Mang lando, dumiretso na dito galing airport. May sasabihin rin daw kasi siya sayo, nabalitaan niya kasi yung about sa HG company. Eh, diba dun siya nagttrabaho? " Si mama pala nasa pintuan. Oo nga pala. Fashion designer rin pala siya ng mga international artist. Nagtapos muna siya ng nursing pero ang gusto niya talaga eh maging isang fashion designer.

" Oo ngaa!! Bakit ka pa tumanggi? Malaking opportunity yuuun!! " humawak na siya sa kamay ko ngayon at nasa tapat ko siya. 

" Eh... Ano kasi... "

" Ano na naman? "

" Maiwan ko muna kayo dito, paghahanda ko nalang kayo ng miryenda. "

" Sige titaa! " ngumiti si ate kay mama at nang sinarado ni Mama, tumingin sakin ng masama si Ate Geneve.

" B-bakit? " napangisi ako ng hindi oras sakanya.

" Laki ng nabawas sayo ah? Dati ganito ka pa oh! " nanlaki mata ko sa picture na pinakita niya sakin galing fone niya.

" Ate geneve naman eh! " 

" Seryoso. Lumiit legs mo, nagkaleeg ka na, uy! Kita jaw line! Taray! Hmmmm... Konting push pa. "

" Ha? La! Ate naman eh! " napasimangot ako at nang bigla siyang napalakpak, eh napatingin ako sakanya, mukang may naisip na naman to. Kilalang kilala ko na rin si Ate Geneve kapag may nababalak eh.

" Bakit ate? " 

" Tutal, magbabakasyon naman ako dito for 1 year. Hihi! Tara! Mageexercise tayo simula bukas ng umaga! Ieenroll kita sa gym kung saan kami lagi nagGym ng kuya mo." 

" Ateee!! Nakakatamad! "

" SAMA AKO! " napatingin kami ni Ate Geneve kay Ate Tina. 

" Tinaaaaaaaaa! " bigla niyang niyakap si ate, Si ate naman sanay na sanay siya kay Ate Geneve sa ganyang effect niya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap kay ate at tumingin sa mata niya "Sasama ka ah?" Muka namang kuminang mata ni Ate at hinawakan at kamay ni Ate Geneve.

" Sasama talaga ako! Para makita ang improvement ni Biancii! " Nagtawanan at natutumalon pa sa tuwa ang dalawa. Sayang saya sila ah? Teka..

" May pasok pa ko hanggang next week? Paano yun kung talagang magGym kuno tayo bukas? " 

" Oh, don't worry honey. I'll pick you up nalang sa lrt, then diretso nalang tayo there! " nagwink siya sakin, tapos si Ate Tina naman dumiretso sa cabinet ko.

Explanation of LoveWhere stories live. Discover now