Chapter 4

111 1 0
                                    

" Oh? Eh ano naman sinabi mo sakanya last monday? " Tanongni Caryl sakin.

Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos akong tanungin ni Shaun at ngayon ko lang nakwento kay Caryl. Andito kami ngayon sa Activity Area ng School namin, nakaupo. Start pa kasi ng Class namin ay 8. Eh, mag7 palang naman ng umaga. Lagi kaming maaga para….. wala lang. -_-

" Wala, Sabi ko sakanya, hindi ko kelangan ng ganyan ngayon. " 

Nagulat ako ng biglang hampasin ni Caryl ang table na nasa harapan namin. " Ayun! Ayun na nga ba sinasabi ko sayo eh. "

" Na Ano? Anung sinasabi mo? " 

" Tsk. Alam mo kasi, friend. Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sakanya eh. " 

" Alam mo kasi.... Mahirap! Alam mo yun? " 

" Anung mahirap? " Napatingin kami sa babaeng nagsalita. Actually, dalawa ang babaeng nasa gilid ng table namin. 

" Eto kasing si Bianca! Mana'y sabihin na sakanya! Faye! Pagsabihan mo nga to! " Tska umupo sa harapan namin si Faye at Anne. 

" Hayy.. Hindi ka pa nasanay dyan! Alam mo naman yan. Tapos mamaya maya, magddrama satin yan! " Faye

" Oy! anung magddrama ka dyan? hindi naman ako nagddrama katulad ni Anne no! " 

" Oh? Dinamay mo pa ko! " Sabi ni Anne, habang nagbabasa ng book. “ Hindi naman kasi ganun kadaling sabihin ang mga ganyang bagay lalo na kapag sa kaibigan mo diba? Magkakaroon lang kayo ng gap kung sabihin man ni Bianca. At isa pa, babae si Bianca. Oo, hindi masama ang umamin kung ano ang tunay mong nararamdaman. Pero sa tamang oras, tamang panahon at sa tamang tao naman.” duktong ni Anne.

“ Oh, ano? Sino ang mas madrama, Faye? “ turo k okay Faye at umirap naman siya sakin.

" Uy! Teka, Teka. Diba si Shaira yun? " Turo ni Caryl sa babaeng naglalakad papalapit sa table namin. 

" Ay! Oo nga! Teka.. " Tska ako gumilid para ngitian si Shai habang papalapit siya. " Hi Shai! " 

" Hello! " Tska siya nagwave at ngumti. 

" Ay! Siya nga pala, Mga bui! Si Shaira nga pala. Shaira! Si Anne, Faye at Caryl. " Tinuro ko sila isa-isa. NagsiHello at ngumiti naman si Faye at Anne.

Kaso si Caryl….. “ Kilala ko na siya. “ napatingin kami sakanya, dahil sa tono ng pagkakasabi niya nun. Parang sarcastic na seryoso eh.

“ Ha? “ inusenteng tanong ni Shaira.  " A-Ay! Sige ah! Malalate na kasi ako eh. nakita ko lang kayo. Sige! Bye! " Tska siya umalis. 

" Ahem.. " Napatingin ako kay Anne. " Siya yun no? " 

" Malamang sa alamang, Anne. " sabi ni Caryl na mukang nabadtrip.

“ Anung nangyare sayo bui? “ tanong k okay Caryl, nakapalumbaba nalang siya at nakatingin sa kawalan.

" Kamuka mo eh. Mataba ka lang. " Biglang sabi ni Faye. 

" Ouch ah! " 

" Pero, totoo bui! Kahawig mo nga. " Sabi ni Caryl habang nakakunot noo, tumingin na siya sakin ng nanlalaki mata. " Pero, hindi ko talaga siya gusto. " tumingin ulit siya sa kawalan.

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon