John: "Bakit sigurado ka bang tayo talaga sadya niya? If I know tinignan niya lang kung safe tong Kapitana natin kasi iniiwasan siya. Sus talaga kabataan ngayon."

Hindi ko na lang sila pinansin dahil di ko alam kung matatawa ba ako, kikiligin o malulungkot dahil tumawag siya personally to check on us. Haaaaaays.

Inialis ko na lang yun sa isip ko at nagfocus sa mga strategy para mabilis naming mahanap ang time machine.

"Ariving at Dark Clouds at exactly 6:38 pm. Be ready MYTH, show me what you've got!"

Pumunta na ako sa defense room ng craft para ihanda na ang susuotin kong armor. Habang nagaayos ako ay pumasok din si Meg at inayos na rin ang armor niya.

Meg: "Alam niyo ang obvious naman na gusto niyo ang isa't isa. Di ko alam kung bakit mo siya iniiwasan pero you should as her on a date kapag nagtagumpay tayo sa mission natin."

"Natatakot ako Meg, she's the princess. I'm her right hand it's not good and ako lang gagamitin ng kalaban as her weakness kapag nagkataon. Yes gusto ko siya, gustong gusto, pero mas gusto kong protektahan siya. It's like we are two different birds flying at two different skies."

Meg: "No, that's not true. She may be an eagle that is higher that you maybe a falcon. But you still fly the same sky. At the end of the day Love is worth all the risks."

"Maybe. Let's just get this battle end para makausap ko na rin siya ng maayos."

We run down the location and the chill is getting through my bones. Damn and the sand, pagiramdam ko ang bigat na ng katawan ko dahil sa hatak nito sakin.

"As much as possible wag tayo maghiwahiwalay. Let's act fast."

John: "Madali lang pala tong misyon e. Nakita ko na ang time machine nasa gitna lang. Tarana na!"

Tumakbo siya palayo samin at agad ko naman napansin ang parang mga aninong pumapalibot sa time machine. It's a trap!

"Pinalilibutan nila ang time machine! Myth! Back him up!"

Tumakbo agad ako palapit kay John na may isang fox na aakmang susuntok sa kaniya. Fortunately nahuli ko ang kamay niya at hinila palapit sakin. Binunot ko naman ang dagger ko to get a view of its eyes. But before my weapon get a touch of its eyes ay mabilis niya ring nadaplisan ang gilid ng mukha ko. Hmm one down.

Nilingon ko si John at nakuha niya na ang time machine pero di kami makalabas.

Another fox was aiming at me approaching with a flying kick towards my face pero napigilan ko ito at yumuko sabay huli ng kaliwang paa nito dahilan para matumba siya. Tho it was fast enough para baliktarin ang pwesto namin at inulan ako ng mga suntok. Puro ilag ang ginagawa ko dahil sa bilis ng galaw nito. Ilang oras din ata kami ganun at di ko pa rin magawang gumanti.

Nasisira na ang armor ko at nararamdaman ko na ang lamig ng dessert sa balat ko. Napakainit na parang nakapaso sa pakiramdam pero kita kong nagiging yelo ang parte ng bewang kong nadikitan ng dessert. Kailangan ko nang sugurin tong isang to. Hinayaan kong mapagod siya sa kakasuntok sakin nang kinuha ko ang oportunidad na tusukin ang mata niya habang kumukuha siya ng lakas at bwelo para atakihin ako.

Tatlo na ang napatumba ko at nilingon ang mga kasama ko. 5 na lang ang natitirang foxes sakto ako na lang ang walang kalaban. Lahat sila halos sira sira na ang armor at si John ay kalahati na ng katawan ang tumigas, nagyeyelo at halos di na makatayo. Tinignan ko ang oras at nabigla ako nang makitang 11:30 na. Malapit nang umulan ng acid.

"Myth umalis natayo rito! Uulan na!"

Lumapit ako kay John nang may mahapdi akong naramdaman sa open area ng katawan ko. May sasak sa bewang ko at mukhang malalim. Fuck.

Inakay ko si John kahit hirap na akong indahin ang sakit. Tinulungan naman ako ni Ava kay John at patakbong pumunta sa battle craft. Nauna na si Meg sa craft at dinala malapit sa amin nang mapansin kong nahulog ni john ang machine sa di kalayuang buhangin.

Bumitaw ako saka tinakbo pabalik ang machine.

Ava: "General! Iwan na natin yan 30 segundo na lang uulan na."

"Kaya kong takbuhin malapit lang naman kayo na bahala kay John."

Tumakbo ako sa abot ng makakaya  ko. Sinawalang bahala ang tama ko sa bewang at naninigas na ring mga binti nang maramdaman kong may tumulo mula sa langit na kinakain ang armor ko sa bandang balikat ko. Tubig mula sa kalangitan.

Nang malapit na ako ay agad kong hinawakan ang machine at tinakpan ang duguan kong bewang. Ika ika na ako pabalik at nakikita ko rin palapit nang papalapit ang craft. Pero ramdam ko naring may mahapdi na sa buong katawan ko na parang kinakain ang balat ko. Umuulan na pala.

Malapit na akong makasakay at kita kong inaabot ni Meg ang kamay niya nang di ko na matiis ang hapdi ng katawan ko.

"AAAAAAAAAARG!"

BOOK 1: The Queen of the Skies • [COMPLETED]Where stories live. Discover now