Chapter 32: Warm Up

973 38 6
                                    

My eyes flicked open at naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko. Sa pagkakaalala ko, dinukot ako ni Alejandro at ng mga tauhan niya.

Ang sarap bigwasan ng lalaking ito, may pajeep jeep pa siyang nalalaman eh pwede naman akong sumama ng kusa sa kanya! Binigyan niya pa ako ng sakit sa ulo, literally!

'Dadalhin lang namin po kayo sa ating pugad!'

Dadalhin? Sa pugad? Ano ako, ibon?!

Bigla ko namang naalala ang sinabi sa akin ni Alejandro noong unang beses niya akong dinukot. Ang sinabi niya, isa daw akong maliit na Maya. Na, ang mga Dux Duxis daw ang Agila. At ang buong United ang kanilang Pugad...

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko sa malambot na kama... Eh?

Nasa kwarto pala ako. Saan naman ako dinala ng mga 'to? Pugad daw eh, is it some metaphorical shit or pugad talaga 'yong pangalan. Baka nasa labas ng bansa na ako?!

"Don't worry. Nasa Pilipinas pa rin tayo... Tagaytay to be exact."

Agad akong napalingon sa may pinto nang may nagsalita. Hindi ko siya kilala, actually. Nasaan ba si Alejandro?

Lumingon ako sa paligid pero wala akong ibang nakikita kundi ako, ang lalaking to, at ang mga kagamitang nasa loob ng kwartong kinaroroonan naming dalawa. Namangha naman ako sa ayos ng kwarto. Ang ganda. Kahit hindi ako fan ng kulay pink ay nagandahan pa rin ako sa maayos na pagkakalagay nito sa buong kwarto.

May kulay pink na tela din sa magkabilang gilid ng kama kong four poster. Kung tutuusin, parang hindi ako dinukot. Para akong bisita. Guest of honor.

At aminin ko man o sa hindi, pakiramdam ko para akong isang... prinsesa.

"Magtatanghali na Yanna, tulog mantika. Tss." Inirapan ako ng lalaking kausap ko. Teka. Ba't ko ba siya tinatawag na 'lalaking kausap ko' eh, hindi ko naman siya kinakausap?

Aalis na sana siya nang tinawag ko siya. Lumingon siya with a bored-ako-at-bilisan-mo look bago ako tumayo at pumunta sa harap niya.

"Nasan si Alejandro?"

Tumaas ang kilay niya sa tanong ko pero sinagot din naman niya iyon kaagad.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng kwartong kinaroroonan ko para puntahan si Alejandro. Ayon sa lalaki kanina, nasa may hardin daw siya na tinatawag nila ditong 'passus de florere'. Tho, hindi ko alam kung nasaan iyon. Hindi ko na lang siya tinanong kasi parang ayaw niya talaga akong kausap.

Di ko man lang alam ang pangalan niya.

Habang naglalakad ako ay panay ang yuko sa akin ng mga nakakasalubong ko. At aware ako kung bakit.

"Excuse me," tawag ko sa lalaking nagmamatyag lang sa buong lugar. Nasa labas na kasi ako at mula dito ay puro mga bukid lang ang makikita mo. Saang banda ba ito sa Tagaytay?

"Excuse me... Do you know where thePassus de Florere is?" Shit! Sana nag-eenglish 'to. Mukhang Russian eh!

"Eh? Passus de Florere? Ah!" Nagulat naman ako nang bigla siyang yumuko ng 90 degrees. "I, ah... Uhm. Will show you the way..."

Nagkibit-balikat na lang ako at sinundan siya. Come to think of it, easy ang pakiramdam ko dito. It's not so dangerous than what I had thought. Walang hassle. Para bang... kung ano ang gusto mo, tiyak, susundin nila.

Sa mga mukha pa lang nila, kahit sabihin kong magpakamatay sila sa harap ko ay gagawin talaga nila iyon.

Napatigil ako nang makarating kami sa dulo ng malawak na football field. Yeah. Merong football field dito, tho walang nagfofootball pero ganun talaga ang itsura.

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon