Chapter 21: The Daughter's Wrath

1.5K 45 5
                                    

Sana masiyahan kayo sa chapter na ituuu! Sagot sa mga tanong niyo sa nangyari sa family ni Yanna ^__^

Haha. Super enjoy sa first day of class ko! Kahit wala akong kakilala sa bago kong school may nafriends kaagad ako (Jed and Bret) ^__^v how's yer class guyth?

Okay~ Pasensya na kung short update lang ito. Tatry kong araw arawin ang pag-aupdate kahit medyo mas maikli na siya sa dati :)))

SALAMAT SA PAGBABASA!!

~~~~

"How could you do this to me baby?! Bakit... Bakit may kabit ka???"

Napapikit ako at kinuha ang unan sa tabi ko para takpan ang mukha ko nang marinig ko ang sarili kong boses na umiiyak. Peke nga lang at may halong pang-aasar.

"Y-Yanna... It's not what you think."

Narinig ko ang boses ni Ryu na ganoon din. Mas lalong pumula ang mukha ko kaya diniinan ko ang pagkatakip ng unan sa mukha ko. Oh Gosh! Bat ba ako pumayag in the first place?

"You lied to me! Shit, sa dami ng babae d'yan, bakit si Maria Ozawa pa ang kabit mo! Mas sexy naman ako ah!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumili na ako sa nararamdaman kong hiya.

"N-no babe, she's way hotter than you. Aminin mo na lang-"

"AAAAAAHHH! Tigilan niyo na ngang dalawa yan! Nababaliw na ako sa pakikinig sa inyo! Bat ba ako pumayag na gamitin niyong dalawa ang boses namin ni Ryu!?" sigaw ko saka pinaghahampas silang dalawa gamit ang unang hawak-hawak ko.

Imbes na magulat ang sinigawan ko sila ay natatawang ipinagpatuloy pa rin nila ang ginagawa nilang paggamit ng boses naming dalawa ni Ryu.

"I hate you, baby loves! I hate you! Magsama kayo ng Maria Ozawa mo!" Si Spark na tuwang-tuwa na ginagamit ang boses ko.

Si Six naman ang naglaro ng boses ni Ryu. "Sige. Hehehe. Salamat na lang sa lahat, Yanna."

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sakalin silang dalawa. Kami lang tatlo nina Six at Spark ang nandito sa veranda ng kwarto ni Ryu at nakita nila ang bagong invention ng daddy ni Jasper, ang mimic. Kakayanin daw nitong gayahin ang boses ng ibang tao kung marerecord nila ito, kahit na ha or ho lang ang sabihin sa record. And luckily, may record ng boses ni Ryu. Tapos nirecord nilang dalawa yung akin para pag-experimentuhan nilang dalawa.

At eto nga ang ginagawa nila ngayon.

"Aray! 'To naman 'di mabiro."

Rinig ko ang natatawang boses ni Six habang sinasabi iyon! Sinamaan ko sila ng tingin. May malaki naman silang ngisi at maluha-luha pa ang mga mata nila kakatawa habang inaalu ako.

"Joke lang naman little sis," sabi ni malanding si Spark saka ako inakbayan.

Hinampas ko ang braso niyang nakasabit sa balikat ko pero hinigpitan lang niya ang pagkakaakbay sa akin. Akmang kakagatin ko siya nang nabitawan na niya ako.

"Isoli niyo na ngang dalawa iyan! Mahuli pa tayo ni Jasper mabigwasan pa kayo nun!"

Tawa pa rin sila ng tawa habang tumutungo sa side table ni Ryu at inilagay sa drawer ang mimic kung saan iyon dating nakalagay.

Paano kami napunta dito? Simple lang.

Idol daw kasi ni Six ang kambal kaya ginaya niya yung kinuwento ni Haina na pagbukas ng pinto gamit ang credit card. At bumukas nga!

Kaya eto sila. Naghahanap daw sila ng ebidensya para ipang-asar kay Ryu kapag bumalik na siya. Naghanap pa nga si Six ng co-co-condom... Kaya ayun! Nasuntok ko sa tiyan. Kaya tinigil din naman niya. Hanggang sa eto nga. Nahanap nila ang parang collar tie na tinawag nilang mimic. At pinakialaman nila. Mag-aalas otso na ng gabi at nandito pa rin kami sa veranda ng kwarto ni Ryu. Wala ang iba dahil may ginagawa sila. Ang kambal may lakad na naman. Si Kierwin at Jasper ay kausap si Lolo Roku habang si Ham naman ay, of course, nagluluto.

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon