Chapter 17: Comeback Party

1.7K 52 7
                                    

"Salamat Yanna dahil pinaunlakan mo ang interview namin. Nakakatuwa kang kausap. At mas maganda ka sa personal. Mauna na muna ako dahil may aasikasuhin pa ako. Hintay mo na lang muna dito ang staff at kaibigan mo dahil may ilang instructions pa silang sasabihin. Salamat ulit. It was nice meeting you."

"The pleasure is mine po. And, thanks for the compliment," magalang na sabi ko sa bald-headed nerd na makapal ang kilay na siyang nag-interview sa akin. Iilang questions lang yung tinanong niya at ayun nga sa napagkasunduan nila ni Spark ay walang personal na tinanong sa akin. Just everything about my current relationshit with Alejandro. Oh, remind me to call him Alex starting today, I almost screwed up because I almost told the interviewee his other name. Hindi ko alam kung alin ang totoo niyang pangalan, Alex o Alejandro?

Argh! Wag ko na ngang isipin iyon!

Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang ninanamnam ang aircon sa lugar ng pinagdausan ng interview ko. Ilalabas daw iyon sa susunod na linggo. Wala akong balak manood ng interview na iyon dahil hindi ko lang magugustuhan ang mga salitang lumabas ng bibig ko.

"Ah, magkaibigan lang po kami ni Aleh—A-alex. Nagmeet po kami sa Gym at nalaman kong magkaibigan din pala sila ni Lawrence. Yung kaibigan ko ding photographer."

"About the picture, muntikan lang akong natumba kaya sinalo niya ako. And coincidence lang ang pagiging pareho namin na miyembro ng Prime. I was already a member a year ago."

"Ahm... Nakakatuwa na nagkaroon kami agad ng shippers, but there's nothing going on po with me and Alex."

"To Alex? Masaya ako na naging magkaibigan tayong dalawa. Yun lang! Hahaha!"

Argh! Bwisit! Ilang ulit ba nilang papanoorin ang clip ng interview? Baka pwedeng pagkaalis ko na lang dito saka nila panoorin ng paulit ulit ang clip hanggang sa magsawa sila! Kasi ako? Halos masuka na sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

Ang ayoko talaga sa lahat ay ang magpanggap. Lalong-lalo na kung malayo sa totoo kong pagkatao ang ugaling pinapanggap ko. This... this Yanna Villamor almost everybody know is sophisticated at mahinhin. Isang malaking kabaligtaran ng totoong Ayanna Kristina Villamor. Matigas ang ulo. Medyo maingay. Nakasanayang mga lalaki lang ang palaging kasama. At sobrang kulit.

Kung ako ang tatanungin ayokong baguhin ang kilos ko sa harap ng camera. Pero ayon kay Hania ay paraan ito para malaman ni Alejandro na nakikisabay kami sa laro niya. Na hindi lang siya ang marunong magpanggap. Kahit na kayang kaya naming bayaran ang mga tao para patahimikin ang issue na iyon ay hindi namin ginawa.

Sometimes, putting everything at stake is the key to win in a game.

Pero ganunpaman, kahit anong pagpapaliwanag nila sa akin kung bakit kailangan kong gawin ito ay pakiramdam ko pa ring mali. May mali sa kilos namin. Parang imbes na kalabanin namin si Alejandro sa laro ay parang mas napapalapit pa ako sa The United. Si Alejandro lang din ang kakilala kong taga United bukod sa mga tukmol kong kasama.

There’s something more to their plan.

Something they don’t want me to know.

Pero mali sila. Ako ang nakataya sa larong ito kaya malalaman at malalaman ko din iyon.

But for now, susunod pa rin ako sa mga gusto nila. Hey. Don’t get me wrong. I just want to know what they’re hiding. At hindi ko magagawa iyon kung sasabihin ko lang kaagad sa kanila iyon. Malamang ay hindi nila sasabihin sa akin ang tunay na motibo nila. It is either ayaw nila akong humadlang sa gusto nilang mangyari, o ayaw lang nila akong mag’alala kung magiging damay man sila dito. Eh damay naman talaga sila from the very start!

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon