Chapter 18: I Hate You

1.6K 47 1
                                    

“A-aray! Dahan-dahan naman.”

“Sorry!”

“Take it slow...”

“O-okay.”

“Aaahh...”

Mariing pinikit ko ang mga mata ko habang pinakikinggan ang malanding boses ng kasama ko at ng nurse na kausap niya. At dahil natatakpan ang gurney ko ng kurtina ay hindi ko nakikita kung nag-gagamutan lang ba sila ng sugat o ibang sugat na ang ginagawa nila.

Nakangisi lang ang nurse na naglilinis ng sugat ko sa tagiliran. Malamang ay pareho kami ng iniisip.

“Ang landi ng boses ng kaibigan niyo ma’am...” natatawang saad ng nurse sa akin. Tumawa na lang ako ng mahina dahil totoo naman kasi ang sinabi niya. Nang matapos na niyang lagyan ng gauze ang sugat ko ay nagbigay siya ng tubig at bimpo para mapunasan ko ang katawan ko.

“Ooohh. Woah babe, you’re really good at this huh?”

“Ahh... S-sir...”

Hindi ko na matiis ang sarili ko at hinawi ko na ang kurtinang nasa gitna lang ng gurney naming dalawa. Bumungad sa akin ang pulang mukha ng nurse at ang mala-demonyong ngisi ni Six. Mukhang pinagtitripan niya ang nurse na ito.

“Six ang landi ng boses mo. Para kayong natototot jan! Pweh!”

Nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang kawawang nurse kaya kaagad na tumawa ng napakalakas si Six. Kami lang dalawa ang nandito sa loob ng maliit na ospital na pinuntahan namin pagkatapos ng comeback party. Madaling araw na at paniguradong nasa labas lang ang lima (Ham, Kierwin, Jasper, Haina at Hania). Nakita kami ng kambal kanina habang papasok sa maliit na ospital. Kaming dalawa lang kasi ni Six ang nasugatan.

Ang gago kasi, isang baril lang ang dala kaya nang maubos ang bala nito ay nawalan na siya ng sandata. Nasaksak din siya pero sa braso lang. Sa maliit na ospital lang kami pumunta kasi ito na yung pinakamalapit.

Iba’t iba ang reaksyon na nakuha ko pagkatapos nun. May natuwa sa nagawa ko. May sobrang nagalit din. Lalo na yung babaeng I think girlfriend niya na halos sipain na ako palabas ng subersive kung hindi lang siya napigilan ng kasama nila.

Wala siyang karapatang magalit.

Dahil simula pa sa una, wala nang kasiguraduan kung kailan ka mamamatay. Pwedeng ngayon, pwedeng mamaya, pwedeng bukas na.

Wala nang nagawa ang babae dahil iyon ang nag-iisang kundisyon ng pagsali sa mga grupong ito.

Dahil sa paghirang mo sa pagiging gangster ay kalakip doon ang pagpayag mong hawakan ang buhay mo ng kahit na sinong tao.

“Iniisip mo?” Napalingon ako kay Ham sa kakabukas pa lang na pinto. May dala siyang coffee at uhh... cheesecake? Nakasunod lang sa kanya ang apat.

“Yung kanina lang. Naaawa kasi ako sa babae, napatay ko yung boyfriend niya.”

Umupo si Ham sa paanan ng kama ko saka bahagyang tinapik ang paa ko, “You had to do it Yanna, kung hindi mo gagawin iyon. Ikaw ang mamamatay. Alam mo naman siguro na tatama sa ulo mo ang nakasilip na malaking pako kapag pinalo niya iyon diba?”

Tumango ako sa sinabi niya. Tama si Ham. Ako ang mamamatay kapag hindi ko hinagis ang kutsilyo sa lalaki kanina.

“I did a background check on that Tiger Death member,” napalingon ako sa Jasper na nakaupo sa sofa at may kandong na laptop, “Wala na siyang pamilya. Well, technically, iniwan siya ng nanay niyang sa bar nagtatrabaho at patay na ang tatay niya. Hindi siya tinanggap ng mga kamag-anak nila dahil na rin sa hirap ng buhay. Live-in sila nung babaeng sumugod sa iyo. Pareho silang ulila. The girl lived her life as an orphan at tumakas lang siya sa ampunan.”

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon