Prologue

10.8K 136 36
                                    

Puti.

Pakiramdam ko ay mabubulag ako sa dami ng nakikita kong nakaputi. Almost everything I see is white, or black. Akala ko pinakamasakit na ang iwan niya ako sa ere, na maayos naman kami noong isang araw, tapos makakatanggap na lang ako ng balita na wala na siya.

But no, the most painful thing I have ever seen is the fact that all of them are wearing these colors. Kung hindi lang ako pinilit ni Mama na pagsuotin ng itim na damit ay kukuha ako ng pula, o pink, o kahit na ano basta hindi ganitong kulay. Because wearing white means they already accept that he is dead.

No! Sigurado akong hindi pa siya patay!

Tiningnan ko ang apat na tahimik sa kabilang dulo ng upuan. Tiningnan ko ang lolo niya na tahimik na umiiyak sa tabi at inaalalayan na lang ng nurse. Tiningnan ko silang lahat na dumalo sa libing niya, iyong iba ay nasa labas na ng pang-apat na canopy tent dahil hindi magkasya sa dami na hahatid sa kaniya.

These stupid people really believe he's dead?!

My eyes went back to the calm but stern Kierwin. May rason kung bakit tinanggihan niyang mag-open casket the whole time. I saw his dead body at the morgue almost a month after he went missing. Wala namang masamang nangyari sa katawan niya, oo at napuno iyon ng sugat, pero hindi sapat para irason na nagde-decay na ang katawan niya when they found him in a riverbank. Clearly, may rason siya kung bakit hindi nila pinapakita sa publiko ang laman ng kabaong!

Nagsitayuan na ang lahat para sa pagbaba niya sa lupa. Agad akong kumalas sa bisig ng mama ko at isa-isang nagbagsakan ang mga luha sa aking pisngi.

"Lo, he's not dead! He's not dead, maniwala kayo sa akin!" I cried when Six tried to stop me from charging into the casket.

Sumunod sa kaniya si Mama at umiiyak na hinihila ako. "Yanna, huminahon ka! Alam kong masama ang loob mo, pero pakawalan mo na siya! Pakawalan mo na si Ryu, anak!"

No! I need to open that casket!

Sinigaw ko na lamang ang iyak ko nang nawalan na ako ng lakas para pumiglas. Lumapit na rin si Lolo Jude at sinubukan akong aluin.

Pakiramdam ko ay hinihila rin niya ang puso ko habang pababa na nang pababa ang kabaong sa harap ko. Lalong dumami ang lumapit sa amin nang sinubukan ko ulit kumawala para sundan siya.

I cried. I cried until I get drowned with my own voice. Sinisigaw ko ang pangalan niya na para bang magpapakita siya kapag tinawag ko siya nang pagkalakas-lakas.

But my cries got buried when screams filled the cemetery, and a huge crashing noise came from the wooden casket. Sa gulat nila ay lumuwag ang kapit nila sa akin, kaya mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ng kabaong.

Una kong napansin ang naputol na lubid sa gilid, at sa baba ay ang sirang kabaong. Natanggal ang takip nito at lumuwa ang puting tela mula sa loob.

Narinig kong tinawag nila ang pangalan ni Lolo Jude at si Kierwin na may sinisigawan na sa telepono. Jasper sat beside me with cold eyes as we both stared at the broken casket.

No one was inside.

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon