Chapter 22: A Spindle

1.3K 45 15
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at ang una kong naramdaman ang pagkahapdi nito.

Sinuyod ko ng tingin ang kwartong kinaroroonan ko. Wala akong masyadong maaninag pero ramdam kong andito pa rin ako sa kwarto ko sa mansyon nila Ryu. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kakaibang sakit sa ulo ko. Sakit na parang mabibiyak na ito.

Nalasing ba ako kagabi? Hindi naman ako uminom ah?

Inangat ko ang kamay ko para mahawakan ang ulo kong pakiramdam ko ay puputok na anumang oras.

My hand stopped midway when I found a bandage on my wrist. May bulak at band aid din sa kung saan may ugat na palaging kinukunan ng dugo.

Dahan-dahan akong bumangon para tanungin sila kung ano nga ba ang nangyari. Pero pagkaupo ko pa lang ay naramdaman ko na ang sakit sa likod ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawang palad ko. Pagpikit ko ay parang may flashback na nagplay sa utak ko at sinagot ang mga katanungan ko.

"I-i'm sorry anak..."

Naalala ko na. Naalala ko na kung paano siya umiyak sa harapan ko habang ako walang magawa kundi humiga lang. Hindi ko alam kung bakit nung mga oras na iyon ay pakiramdam ko mababali ang lahat ng parte ng katawan ko kapag gagalaw ako. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi rin ako makapagsalita.

Naalala ko na. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kung bakit ganoon ang nangyari.

Pagkabagsak ko daw ay babarilin sana ng asawa niya si mama kaya pinigilan niya ito sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. Pagkaalis daw namin ay nabaril din daw siya ng asawa niya. Pero sa paa lang. Tatakas pa daw sana ang asawa niya kaya hinabol siya nito pero nasagasaan siya kaya mas mapuruhan ang paa niya. Hindi daw siya kinausap ni mama sa ospital dahil sa malaking galit kaya hindi niya nalaman ang nangyari.

"Sa kabila ng sinabi ng doktor ko na kailangan kong magpagamot sa ibang bansa ay hindi ko siya sinunod hangga't hindi ka nagigising anak. I was there when you opened your eyes after eight fearful months. Natakot ako na baka 'pag umalis ako, bigla kang magigising at hahanapin mo ako. Kaya... Kaya kahit... K-kahit nakawheel chair ako at binalalaan na ako ng doktor ko na kung hindi ko siya susundin ay tuluyan na daw akong mapuputulan ng paa, hinintay pa rin kitang gumising anak."

Pagkagising ko raw ay ang araw din na biglang sumakit ang mga paa niya kaya napilitan na siyang pumunta ng ibang bansa para magpaopera. But after the operation, he still needed therapy para tuloy-tuloy na ang paggaling ng paa niya't nang sa gayon ay makapaglakad na siya.

"Four years after that nightmare, my princess... Nagpadala ang mama mo ng approval para mapalitan ang apelyido mo dahil hindi naman valid ang kasal namin dahil kasal ako sa iba."

Bumalik siya ng Pilipinas dahil sa petition na pinadala ni mama sa kanya. Gusto niyang umapela doon. Pero binigyan siya ng TRO ni mama kaya hindi siya nakalapit sa amin.

"...But still, hindi ako pumayag na papalitan ang apelido mo, pero yun pa rin ang ginawa ni Krystel."

Ilang taon siyang nanatili dito sa Pilipinas para lang pagmasdan ako sa malayo. Maglilimang taon niya akong binabantayan nang hindi namin namamalayan ni mama.

"I got devastated from those kids na umaaway sa iyo kaya palagi kong kinakausap ang mga magulang nila kung ano ang ginagawa nila. Kaya nauwi din sa walang ni isang bata ang lumalapit sa iyo. I-i'm sorry about that. Ayoko lang may mang-aaway sa iyo 'nak."

Kaya pala. Kaya pala walang gustong makipagkaibigan sa akin. Ang buong akala ko ay ayaw lang nila dahil sa anak ako ng isang kabet. Buong akala ko hindi nila ako kinakaibigan dahil natatarayan sila sa akin, dahil lang sa lumalaban ako para proteksyunan ang sarili ko.

The Missing GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon