He sigh.
Kung anu-ano ng naiisip niya. Gusto na talaga niyang umuwe kung hindi lang siya naawa dito.
"P-pasensya kana a." Nagulat pa siya ng magsalita ito.
"Huh? a . .Para saan?"
"D-dahil sinama kita dito. Ang balak ko lang talaga ay kumain sa restaurant kasama ka. Pasasalamat sa pagtulong mo saken." Anito.
Hindi na ito umiiyak. Pero nanginginig parin ang boses nito.
"Okay lang."
Lumapit ito sa kanya at sinandal ang ulo nito sa balikat niya.
Nagulat naman siya sa ginawa nito. Gusto niyang tumayo, itulak ito o kaya ay tumakbo palayo. Basta maalis lang ang pagkakasandal nito sa kanya.
"Ahmm. . . A-alam mo hindi naman-"
"Pwede bang sumandal sayo kahit sandali lang?" Paalam nito.
Bakit ba ang hilig nitong putulin ang sinasabe niya. At talagang nagpaalam pa ito a. Samantalang nakasandal na ito. Ano pa bang magagawa niya?
Naiilang siya. . Gustong-gusto na niya itong itulak. Pasalamat talaga ito at nasa mood siya. Kung hindi ay baka pinahuli na niya ito sa pulis sa pagbablackmail sa kanya at pagdadala sa kanya sa lugar na yun.
"Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa pagkamatay ng mahal mo sa buhay?" Maya-maya ay tanong nito.
Oo naman! Gusto niyang isagot dito. Syempre alam niya yun. Simple lang naman kase ang sagot.
Ang pinakamasakit ay ang mamatay ang taong mahal mo ng wala ka man lang nagawa para iligtas siya. . . Yun ang gusto niyang isagot pero mas pinili na lang niya manahimik.
"P-para saken ang pinakamasakit ay ang mamatay ang taong mahal mo sa isang napakababaw na dahilan." Sagot nito sa sariling tanong.
Mababaw na dahilan?
Bakit ano bang mababaw na dahilan ang ikinamatay ng Mommy nito?
"M-ira?"
May naramdam siyang mainit na likido sa balikat niya. . . Umiiyak na naman ito.
"N-nkakatawa alam mo ba yun? S-simula bata kase ako naniwala akong namatay si Mommy sa Cancer."
"Bakit?" Tanong niya.
Ayaw niya sanang mag-usisa pero nakocurios na siya sa mga pinagsasabe nito.
"D-dahil itinago nila saken ang totoo."
"Sino naman ang gagawa nun?"
"S-si Daddy!" Ramdam niya ang lungkot nito.
He wants to comfort her but how?
"Bakit naman niya gagawin yun?"
"D-dahil ayaw niyang malaman ko na pinatay talaga si Mommy. . . A-yaw niyang malaman ko na pinatay ng mundo ang Mommy ko." She cried.
Hindi niya maintindihan. Paanong pinatay ng mundo ang Mommy nito? At bakit nagsinungaling ang Daddy nito?
Hindi niya alam ang buong pangyayare pero sigurado siya. Sobrang sakit nun.
- - - - -
A/N: Votes and Comment po xxxx.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 8
Start from the beginning
