Wala na siyang ibang paraan para makauwe kundi ito. Kaya kung gusto niya umuwe ay kailangan niyang sumunod dito.

"Nandito na tayo." Wika nito.

Medyo malayo-layo din ang nilakad nila. Bago ito huminto sa isang puntod na nandun at nagsindi ng kandila.

Teressa Marie Sebastian. Basa niya sa pangalang nakasulat.

Sino kaya ito?

Umupo ito sa tabi ng puntod at yumuko.

"M-om? Miss na kita." Narinig niyang sabe nito.

So Mommy pala nito ang nakalibing doon. Ano kayang naisipan nito at ngayon pa dumalaw sa Mommy niya kung kailan gabe.

Kung ano mang dahilan nito ay wala na siyang pakialam. Ang kailangan niya ngayon ay makauwe kaya kung hindi siya nito ihahatid sa 7/11 ay kailangan siya nitong pautangin ng pera.

"Excuse me. . Pwede bang ihatid mo na ako sa 7/11.“Aniya.

Pero hindi ito sumagot nakayuko lang ito.

"Ehem! Pwede ba kung ayaw mo ako ihatid ay pautangin mo na lang ako. Baka kase hinahanap na ako sa amen. Kailangan ko na talagang umuwe." Pagsisinungaling niya.

Nag-angat ito ng ulo.

*Sniff* "P-wede b-a k-ahit s-andali l-ang s-amahan mo a-ko?" Sabe nito between sobs.

Hindi niya makita ng malinaw ang itsura nito dahil madilim na pero alam niyang umiiyak ito..

May nasabe ba siyang masama?? Pero sa 7/11 pa lang naman ay namamaga na ang mata nito, mukhang galing sa pag-iyak.

"A. . amm. . . Sige!"

His weakness. . Ayaw niyang may nakikitang umiiyak na babae.

Umupo siya sa tabi nito at nangalumbaba.

Wala siyang makita doon kundi mga libingan at puno ng balete. Para yung lugar sa isang Horror Movie na ano mang oras ay babangon ang mga patay na kumakain ng mga buhay.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now