"Basta."

Hinawakan niya ito sa kamay at hinatak palabas sa 7/11.

"Sakay!" Utos niya dito pagtapat nila sa kotse niya,

"May ano ako. ."

"Ano?" Tiningnan niya ito ng What the fuck look.

Wala siyang gana makipag-argumento kaya makuha sana ito sa tingin.

"Argh.. Wala!"

Pagkapasok nito sa kotse ay agad niya iyon pinaandar. Wala siyang balak magsayang ng oras meron siyang balak gawin ngayon gabe. . .

Free!

 

 

 

[ Martineque's POV ]

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya.

Medyo kinikilabutan na kase siya sa kinikilos nito.

Kanina kase ay dinala siya nito sa isang Italian Restaurant. Inorder nito lahat ng specialty ng restaurant at pagkatapos ay pilit yun pinaubos sa kanya.

Treat daw nito iyon. Anong tingin nito sa kanya baboy? Syempre hindi niya naubos yun kaya ipinabalot na lang nito yun para daw may pang-uwe siya sa pamilya niya. Asa namang kakain ang Daddy niya ng tira kahit nga aso nila hindi kakainin yun.

At pagkatapos sa restaurant ay dinala naman siya nito sa Memorial Cementery.

"May dadalawin lang ako." Sagot nito.

Kung alam lang niya na dadalhin siya nito sa kung saan-saan ay sana sinunod na lang niya ang una niyang desisyon na hindi ito siputin, umeksena lang kase ang konsensya niya. Ngayon tuloy naiwan niya yung Kotse niya sa 7/11. Iniwan pa naman niya sa loob nun ang wallet at cellphone niya.

Nagsinungaling lang siya dito kanina na naglakad lang siya.

He sigh.

Karma!

 

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now