"Mang Rudy pwede na po kayo umuwe. May pupuntahan pa po ako." Aniya.

"Gusto niyo po ba Ma'am ay ihatid ko kayo?" Tanong nito

Umiling lang siya bilang pag-tanggi.

"Sige po Ma'am! Mag-iingat po kayo."

"Salamat po."

Pagkasabe nun ay kinuha na nito ang mga panglinis at pumunta na sa likod bahay.

Siya naman ay tumuloy na.

Pagdating niya sa 7/11 ay saktong alas-otso. Pero wala parin doon si Martin. Kaya bumili muna siya ng mga pagkain at drinks. Para habang nag-aantay dito ay meron siyang kinakain.

Wala siyang balak na doon kumain ang totoong balak niya ay doon lang makipagkita kay Martin at saka niya ito dadalhin sa isang restaurant. Pero dahil nagugutom na siya ay walang masama kung mauna na siya.

Lumipas na ang ilang minuto ay wala parin ito. Halos naubos na din niya ang nabiling pagkain.

She sigh.

Wala ba talaga siyang pwedeng makadamay ngayon?

Aalis na sana siya ng may biglang nagbukas ng pinto ng store ng malakas. Tiningnan niya ito ng masama.

"Hey!" Bungad nito.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya.

"Naglakad lang ako."

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Halos parehas sila ng Outfit nito. Itim na T-shirt at Denim jeans. Sakto para silang may pupuntahang lamay.

At infairness parang hindi pa ito nagsuklay. Nakaharang na naman kase ang buhok nito sa mukha nito.

"Okay! Sabe mo e. Halika na."

"Saan naman?!" Gulat na tanong nito.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now