Pagkatapos nilang mag-usap ng Daddy niya ay nagkulong na siya sa kwarto niya. Tulad ng nakagawian naglagay siya ng Do not disturb sign sa pinto niya. Ganun ang lagi niyang ginagawa kapag gusto niyang mapag-isa.
Kaninang umaga ay maganda ang gising niya. Hindi naman niya alam na kapalit pala nun ay isang nakakalungkot na katotohanan.
Wala siyang ginawa buong araw kung di ang umiyak at magpagulong-gulong sa kama. Habang yakap ang larawan ng Mommy niya. Inaalala niya ang mga araw na kasama niya ito kahit saglit lang yun ay lahat naman yun ay puro masasayang alala.
Nang mapagod siya sa kaiiyak ay bumangon siya at naghilamos. Ramdam na kase niya pamamaga ng mata niya. Halos hindi na nga siya makadilat.
Nang hindi siya makuntento sa hilamos ay tuluyan na siyang naligo, nagbabad siya sa isang maligamgam na tubig. Pagkatapos ay nagbihis siya ng pinakasimpleng damit na alam niya.
Plain black T-shirt, Denim jeans at Converse. Syempre hindi niya kinalimutan ang Lucky cap niya.
Saka niya tinawagan si Mariel. Yayain niya itong lumabas. Linggo naman bukas kaya pwedeng-pwede siya magpuyat.
Pero hindi nito sinasagot ang tawag. Nakatatlong Miscall na siya dito pero wala parin.
Ngayon pa ito wala kung kailan kailangan niya ng kadamay.
She sigh.
Mas mabuti pang magkulong sa kwarto niya kaysa gumala mag-isa. Magbibihis na sana siya ng pambahay ng biglang mag-alarm ang cellphone niya.
7:30
Meet Martin
@7/11
Oo nga pala!
Nakalimutan niya. Makikipagkita nga pala siya kay Martineque. Sa bigat ng iniisip niya kanina ay nakalimutan niya ang tungkol dito. Buti na lang at naisipan niyang ilagay yun sa alarm niya.
Kaya hindi na niya tinuloy ang pagbibihis. Tumuloy na siya agad kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ang kanyang pinakamamahal na Ferrari.
Nakita niyang nililinis ito ni Mang Rudy.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 8
Start from the beginning
