"Pero may hindi inaasahang pangyayare. Pagkatapos niyang ipanganak ka ay maraming nangyaring pagbabago. Hindi na siya na kontento sa itsura at katawan niya kaya kahit hindi ko alam ay nag-undergo siya ng iba't ibang surgery.."
Kaya ba?
"At para lalo kong hindi malaman ay sarili niyang pera ang ginamit niya. Kaya sa mga maliliit at hindi kilalang clinic siya pumunta at . . . ." He paused.
"A-at ano Daddy?" Halos pabulong na ang pagkasabe niya nun.
"T-the worst thing happened. . Hindi licensed surgeon ang nag-opera sa Mommy mo. Isa lang itong baliw na gustong maging doctor at isa ang Mommy mo sa mga naloko nito. Ang mga gamot na itinuturok at ipinapainom nito sa mga pasyente ay puro peke. T-that cause infection, that slowly kills your mom." Ramdam niya sa boses nito ang lungkot na may halong galit.
The truth revealed!
Hindi cancer ang ikinamatay ng Mommy niya. Namatay ito dahil isang baliw na tao, namatay ito dahil sa paghahangad na gumanda para makalayo sa mga mapanglait na mata ng feeling perpekto na tao
She burst into tears.
Kung kanina ay umiiyak lang siya ngayon ay humahagulgol na.
Niyakap siya ng Daddy niya. Umiiyak din ito.
Kaya ayaw siya nitong payagan. Dahil natatakot ito na mangyare sa kanya ang nangyare sa Mommy niya. Naiintindihan na niya ngayon.
Pinahid nito ang luha niya.
"M-mira.. Hija hindi mo kailangan maging maganda para magustuhan ka ng iba. Kailangan mo lang magpakatotoo sa sarili mo kung sino ka talaga. Wala kang dapat patunayan." Hinalikan siya nito sa noo.
She nod.
"Minahal ko ang Mommy mo kahit sino o ano pang itsura niya. Kaya nakakasigurado din ako na may magmamahal din sayo kahit ano ka pa."
Sana nga!
Sana talaga ay may tao pang natitira na katulad ng Daddy niya na handa siyang tanggapin kahit siya pa ang pinakapangit na tao sa mundo.
- - - -
BINABASA MO ANG
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 8
Magsimula sa umpisa
