He sigh again.

"Hindi Cancer ang ikinamatay ng Mommy mo."

"P-panong hindi Cancer . . d-diba pinakita niyo pa saken yung findings ng doctor?" Hindi na niya napigilang mapaiyak.

Naalala niya pa nung pinakita nito sa kanya lahat ng medical results ng Mommy niya.

"Peke lang yun." Pag-amin nito.

She was trembling. Lalong bumilis ang pagtulo ng luha niya.

Kung hindi Cancer ang ikinamatay ng Mommy niya. Ano pala?

"Hindi maganda ang Mommy mo nung una ko siyang nakilala. At yang nasa picture na yan ang tunay niyang itsura. Yan na lang ang natira niyang picture pagkatapos niyang mag-undergo ng aesthetic surgery. Sinunog niya kase lahat yun."

Hindi man niya nakikita dahil nakatalikod ito sa kanya pero alam niyang umiiyak din ito.

"Minahal ko siya kung ano siya at wala saken kahit ano pang sabihin ng iba. Pinaglaban ko siya kahit sa lolo't lola mo. Pero naging mahina ang loob ng Mommy mo, hindi na niya kinaya ang panglalait at pangmamata ng ibang tao. Kaya kahit tutol ako ay nagparetoke siya." Patuloy nito.

"A-ano pong nangyare?"

May nabubuo ng ideya sa utak niya kung bakit ayaw siya nitong payagan. Pero gusto parin niya malaman ang buong istorya..

"Matagumpay ang operasyon. . Gumanda siya kaya pumayag na din ang lolo't lola mo na ikasal kame sa isang kondisyon na walang dapat makaalam na retokada ito. . . Kaya itinago namen iyon, sinunog lahat ng lumang larawan namen na magkasama."

Humarap ito sa kanya at hinawakan siya kamay.

"Naging masaya kame lalo ng dumating ka sa buhay namen."

"D-daddy."

Umiiyak ito. Alam niyang nahihirapan ito amin ang katotohanan. Dahil natatakot ito na mag-iba ang tingin niya sa Mommy niya.

Pero pinapangako niya na ano mang malaman ay  hindi magbabago ang tingin niya dito. Wala siyang nakitang pagkakamali sa pagpapalaki sa kanya ng Mommy niya. Naging mabuti itong ina sa maikling panahon.

Ms. Panget meet Mr. PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon