28

198 10 1
                                    

 
halos lahat ay nagulat nang padabog na binuksan ni jungkook ang pintuan ng classroom nila at umupo sa pinakadulo dahil una sa lahat, ayaw nya ng istorbo at lalong ayaw nya ng kausap.
  
   
nararamdaman nya na may babaeng balak umupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. inunahan nya na ito at dali daling padabog na nilagay ang bag nya sa upuan sa tabi nya. narinig nya ang mahinang angil ng babae at napagtanto nyang si eunha iyon.
  
    
naiinis sya na kahit ang pangalan ni eunha ay nakakapagpabalik sa mga ala ala noong kaklase pa nya si lisa.
  
  
'nakakabaliw naman 'to, bwiset.' sa isip isip ni jungkook habang nakadungaw sya sa bintana.
  
  
tandang tanda nya kung paano sya pinalayo ni lisa dahil hinarang ni eun ha si lisa para palayuin sa kanya.
   
  
*chimin calling...*
  
  
tinitigan lamang ni jungkook ang phone nya na nagba-vibrate. nang masilip nya kung sino ang tumatawag ay parang lalong bumigat ang pakiramdam nya. kakaiba itong pakiramdam na ito dahil ngayon nya lamang ito naramdaman. literal na kumikirot ang dibdib nya.
  
  
agad nya pinatay ang tawag at pinatay din nya ang phone nya bago ito ibalik sa kanyang bag.
   
   
  
   
   

'traydor.' ani nya sa kanyang isipan.
  
  
  

NOONA • lkWhere stories live. Discover now