17

287 23 0
                                    

"jennie,"
  
nagulat si jennie sa biglang paglapit sa kanya ni kookie dahil kahit magtatatlong taon na silang batchmates at dalawang taon ding naging classmates ay hindi nila nakuhang maging malapit sa isa't isa.
   
bumalik ako blankong ekspresyon sa kanyang mukha at hinarap ng tuluyan si jungkook.
   
"ahmmm..." kitang kita na nag-aalangang magsalita si kookie kaya kumunot ang noo nya.
  
"ano?" tinaasan nya ng kilay ang binata. "si lisa ba ang itatanong mo sa akin?"
   
nanlaki ang mata ni jungkook at bahagyang napanganga dahil sa galing manghula ng babae na nasa harap nya.
   
"huwag mo nang guluhin pa si lisa, tutal naman..."
  
nagtaka naman sya nang bumaling si jennie sa bandang likuran nya at nang sundan nya kung saan ito nakatingin ay nakita nya si ji eun na naglalakad papunta sa direksyon nila. ngumiti ito at kumaway nang makitang napansin sya ng binata.
  
"hindi mo na kailangan si lisa para mapalapit sa eonnie nya, hindi ba? baka naman pwede mo nang tigilan ang pagpapanggap na gusto mo talaga sya kaibiganin."
  
nilingon nya muli si jennie na kasalukuyang sinasara ang locker nya.
  
"besides, lumipat naman na sya. hindi mo na sya seatmate o classmate. wala ng dahilan para kausapin mo pa sya."
   
tinalikuran na sya ni jennie at pinagmasdan na lamang nya itong maglakad papalayo sa kanya. lumilipad ang isip nya hanggang sa may humigit sa kanyang braso.
   
"noona," mahinang tawag nya kay ji eun na akay-akay sya ngayon.
  
"tara, sabay na tayo umuwi, kookie."
   

NOONA • lkWhere stories live. Discover now