15

304 25 1
                                    

still flashback:
   
'jung lalisa'
   
nagtataka si jungkook kung bakit ngayong second year highschool nya lang nakilala ang babaeng iyon samantalang bunsong kapatid pala ito ng hoseok-hyung nya.
  
tsaka lamang sya napalagay nang malaman nya na kakalipat lamang pala ni lisa sa section b kaya hindi nya iyo nakilala agad dahil galing pala sya sa kabilang school. section a kasi sya.
  
"hindi mo nabanggit sa amin na may kapatid ka palang babae, hyung." pangunguna ni jimin habang kumakain sila ng lunch.
  
"nagtanong ba kayo?" nang-aasar na sagot ni hoseok kaya ngumiwi ang tatlo.
  
"ka-year mo lang pala sya, kookie. 97 liner din." tumango si kookie habang patuloy na kumakain. alam nya naman na iyon kaya tumango na lamang sya.
  
"kaya pala sya lang pinapansin ni ji eun! nakababatang pinsan nya. puro kalokohan kase si hoseok-hyung kaya di sya madalas pinapansin ni ji eun e!"
  
sinimangutan lamang ni hoseok ang tatlo. natawa si kookie kaya nilingon sya si jimin.
  
"naku, kookie, kay lisa ka na lang magpatulong mapalapit sa ultimate crush mo. di maaasahan 'tong si hyung." pang-aasar ni jimin.
  
tumawa si jungkook.
  
"mabuti pa ngang si lisa noona na lang i-close ko para mapalapit kay ji eun noona!"
  
he didn't really mean to say it. it was supposed to be a joke. inaasar nya lamang ang kanyang kuya hoseok.
   
pero hindi ito ang palagay ng babaeng nakarinig nito mula sa di kalayuan na papalapit pa lamang sa grupong iyon.
   
napahigpit ang hawak nya sa paperbag na dala nya habang walang emosyon syang naglalakad papunta sa kuya nya.
   
"hoseok-oppa,"
  
halos mabulunan ang apat dahil sa biglang pagtawag ni lisa na ngayon ay nakatayo sa gilid ni hoseok.
  
"pinapabigay ni mama sa'yo. may practice ka daw ng sayaw mamayang uwian. nakalimutan mo daw magdala ng pamalit."
  
inilapag nya iyon sa gilid ng table.
   
nakanganga lamang si kookie na pinagmasdan ang dalaga na kausap ang kuya nya.
  
ni hindi nya man lang sinuklian ang tingin ng binata.
   
ni hindi nya binati ang mga kasama ng kuya nya.
   
umalis ito nang ganun ganun lang...
   
"pagpasensyahan nyo na ang kapatid ko, 'ha? antisocial talaga 'yun parang ji eun eonnie nya. mas malala nga lang sya."
   
hindi na muling nakita ni kookie ang ngiting nakita nya nuong una nyang pinagmasdan si lisa.

NOONA • lkWhere stories live. Discover now