14

315 26 0
                                    

  
flashback:
  
"kookie, di ka magugustuhan ni ji eun! oppa gusto nun hindi dongsaeng!"
  
napangiwi na lamang si jungkook sa sinabi ni taehyung.
  
"ayaw nya sa pabebeboy katulad mo! haha!" gatong ni jimin.
 
"hoy, tantanan nyo nga si kookie at baka umiyak--
  
hindi na natuloy ni hoseok ang sasabihin nya dahil tinakpan ni taehyung ang bibig nya.
  
"shhh! parating na crush nya!"
  
napalingon naman silang tatlo sa direksyon kung saan lumingon si taehyung.
  
"kasama nya pala si lisa ngayon."
  
tumagos ang tingin ni kookie sa babaeng kasama ni ji eun na bahagyang nahuhuli sa paglalakad.
  
kitang kita nya ang malawak na ngiti sa mga labi ng babaeng iyon. halos mapanganga sya dahil hindi sya makapaniwalang ito ang unang beses na nakita nya si lisa.
  
"nga-nga ka talaga kay ji eun e 'no? halata ka na, kookie!"
  
sa lakas ng boses ni jimin ay bahagyang narinig ito ni lisa, tsaka pa lamang nya napansin ang presensya ng apat na lalaking iyon. agad nawala ang ngiti sa mga labi nya.
   
napatingin sya sa lalaking inaasar ng kuya nya at ang dalawa pa nitong kaibigan. nang magtama ang mga mata nila ay napayuko si jungkook. dama ni jungkook ang unti- unting pamumula ng mukha nya.
  
"yieee, namumula!" nalipat ang tingin ni lisa sa kanyang pinsan na tila ba walang alam na may grupo sa di kalayuan na sya ang pinag-uusapan. busyng busy ang ate ji eun nya na nagkekwento tungkol sa bagong album ng super junior na kanyang binili kahapon.
  
dere-deretso lamang sya sa paglalakad habang nagkekwento pa din. pakiramdam nya ay kapag tumigil sya sa paglalakad ay di rin naman mahahalata ni ji eun na wala na syang kausap.
  
binalik nya ang tingin kay jungkook na ngayon ay inaasar pa din ng mga barkada nito, pati ng kuya hoseok nya. dahil naglalagay ng gamit si ji eun sa locker nya, nakuha nyang pagmasdan ang batang kanina pa tampulan ng tuksuhan.
  
'cute sya.'
   
'ang swerte ni eonnie.'

NOONA • lkحيث تعيش القصص. اكتشف الآن