It Ends Tonight

181 6 0
                                    

1 week later...

Author's POV

Kasalukuyang nakatambay ang B. A. R. sa pantry habang hinihintay sina Maris, Diego at Yves.

"so ayun sabi ng Principal I need to spend another year dito sa Campus hanggang sa matutunan ko ang mga pagkakamali ko." pagpapatuloy ng kwento ni Julia.

"ok lang yan, mabilis lang ang isang taon." saad ni Loisa.

"pero guys seriously thanks talaga and sorry sa lahat ng nagawa ko." sinserong saad ng Julia.

"forget it. Mahalaga ay ok ka na, ok na tayo." nakangiting pahayag ni Janella.

"I'm just so glad that I have my 2 bffs back." she smiled habang nakatingin kina Loisa at Sofia.

"not just bff but soon-to-be step sisters." niyakap naman ni Sofia si Julia.

"di lang yun, pati na din ang buong B. A. R." singit naman ni Joshua.

"bakit nga pala B. A. R. ano yun is it your hang out thingy?" pagtataka ni Julia saan nga ba nanggaling yung name ng group.

"hehe hindi, we haven't been in a B. A. R., well just once but no, it means Best And Rare." paliwanag ni Janella.

"woah ang unique ha. Nice name, I like it." as per Julia.

"thanks." nakangiting saad ni Janella.

Maya maya pa...

"uy si Inigo ba yun?" nang matanaw ni Ronnie si Inigo sa di kalayuan. Napatayo sila at sinalubong ang binata.

"woah Inigs kamusta tagal mo nawala ah.." bati ni Elmo.

"Pre bakit ngayon ka lang nagpakita?" dagdag pa ni Joshua.

"How's life Inigs?" tanong din ni Sofia..

"sorry guys, I had to go back to L. A., biglaan." paliwanag ni Inigs habang naglalakad sila pabalik sa pantry.

"good that you're back, finals na natin in 2 weeks so we need to review. At least kumpleto na tayo." Janella being herself.

"yeah." tanging sagot ni Inigo ngunit parang may problema.

"I know that look, hinahanap mo si Maris, there she is." sabi ni Elmo nang makita na paparating si Maris kasama ang magpinsang Diego at Yves.

"ayan na ang prinsesa mo ayiee." pang-aasar ni Loisa.

Namula naman si Inigo ngunit parang bigla sumama ang timpla nang makita niyang kinuha ni Maris ang bag niya mula kay Diego.

"Oh pare namiss kita" Yves being Yves sabay humalik pa kay Inigo sa pisngi.

"ayan kaya ka napagkakamalang bakla eh." pagbibiro ni Joshua at nagtawanan sila.

"glad that you're back pare." umakap naman si Diego bilang pagbati sa kaibigan.

"Hi," saad ni Inigo nang matapat siya kay Maris.

"hi," tugon ng dalaga na tila nangungusap ang mga mata.

Medyo awkward ang mga sumunod na segundo.. While they're all standing na para bang nakaabang sa kung ano ang sasabihin nina Maris at Inigo sa isa't isa.

Krrrrngggg......

"save by the bell." bulong ni Yves.

"let's go guys!" pagyaya ni Elmo.

Pinauna nina Inigo at Maris ang B. A. R. na maglakad ilang steps pa at sinubukang hawakan ni Inigo ang kamay ni Maris ngunit iniiwas agad ito ng dalaga.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteWhere stories live. Discover now