Drifted Apart

167 5 0
                                    





Author's P. O. V.

"Pres tama na ano bang ginawa ng pinsan ko sa yo huh?" agad na humarang si Yves sa pagitan nina Elmo at Diego habang ang B. A. R. Friends ay nasa gilid at pilit na inaawat ang dalawa.

"mag-usap tayo ng maayos Bro, I'll explain everything." mahinahon na pakiusap ni Diego kay Elmo.

Kumalas si Elmo sa pagkakaawat nina Joshua at Janella, napailing siya at unti unting naglakad palayo sa barkada.

"Elmo!" paiyak na sambit ni Janella.

Sinundan niya ito at sinubukang pigilan si Elmo ngunit wala siyang nagawa.

"ano ba kasi talaga ang nagyari bakit kayo ni Sofia ang pinagbibintangan nila na sumira sa campus website?"medyo napataas ang tono na tanong ni Janella habang nakatingin kay Diego ngunit hindi ito nakasagot.

Sakto naman ang dating ni Sofia nang marinig niya ang tanong ng kaibigan.

"sorry guys, Elmo is hurting and now I understand why he punched you." di na mapigilan ni Janella maluha. Halatang upset din siya sa mga nangyayari and she felt guilt kasi wala siya sa tabi ni Elmo during his hard times. Pero naisip niya na di pa huli ang lahat para damayan ang kasintahan.

"Janella I'm sorry," pipigilan sana ni Sofia ang kaibigan ngunit di siya pinansin nito hanggang sa makalayo ito sa kanila.

Makalipas ang ilang minuto...

"guys aren't you going to say something?" basag ni Inigo sa katahimikan at tila gusto malaman ang totoong pangyayari mula kina Diego at Sofia.

"I'm the one who crashed it para walang makakita ng video. It was my idea so take it on me not to Sofia." tugon ni Diego na napailing sa sakit ng pisngi niya na unti unting nagpoform ng pasa.

"stop it Diego, it's all my fault." saad naman ni Sofia habang ang mga kaibigan ay tila nalilito na.

"what do you mean?" nakakunot ang kilay na tanong ni Loisa.

"hmm sorry Diegs for dragging you into this. But yeah when you asked me to join you crashing the Campus website i thought it was a good idea to stop the video about Maris." matamang nakinig ang barkada habang si Maris ay tila di alam kung bakit at paano nangyari ang lahat ng ito.

"it was all my fault, I'm sorry guys.. I lost the USB na binigay sa akin ni Julia after threatening me. " pilit pinipigilan ni Sofia ang mga luha na unti unting tumakas mula sa mga mata niya.

Lumapit si Maris dito at niyakap siya habang inaalo ang kaibigan.

"sorry Maris di ko talaga gustong ipahamak ka, i really don't care about what Julia's plan about me kaso hindi ko naingatan yung USB." patuloy na paliwanag ni Sofia habang pinapahid niya ang kanyang mga luha.

"no Sofia, wala kang kasalanan so wag mo sisihin ang sarili mo." naluluha na din si Maris nang matuklasan kung paano siya pirotektahan ng mga kaibigan.

"and thank you sa inyong dalawa ni Diego, I know that you guys cared about me." pagpapasalamat ni Maris sa mga kaibigan.

"so tama pala ang mga sinabi ni Elmo kanina, tssk kaya naman pala galit na galit yung isa eh." singit naman ni Ronnie na medyo iba ang tono ng pagsasalita.

"sana sinabi niyo na lang agad sa barkada para di na tayo humantong sa ganito." dagdag pa ni Loisa na mukhang nainis sa mga natuklasan.

"sorry i never knew na lalala ng ganito ang lahat ng dahil lang sa short clip video." paghingi ng dispensa ni Maris.

"what the story behind it ba kasi?" tanong ulit ni Loisa.

Huminga ng malalim si Maris at inumpisahang ikwento ang mga pangyayari sa nakaraan.

"my Brother was wrongly accused for killing his best friend na anak ng Mayor. Nobody believed him until he was killed by the Mayor's hand din." napahinto si Maris habang nagkukwento ngunit sobra pa din siyang nasasaktan nang maalala ang nakaraan.

"Maris," napalapit si Diego kay Maris at ti-nap ang balikat nito sign na itigil niya na ang pagkukwento dahil nakita niyang nahihirapan na ito.

"and that's the reason why we moved here para makaiwas sa mga taong nagpapatay sa kuya ko." hindi ni kinaya ni Maris tapusin ang buong kwento hanggang sa napaupo ito.

Agad namang lumapit sina Loisa at Sofia para alalayan siya.

"kakausapin ko sina Elmo at Janella para malaman din nila ang side niyo. Wala namang may kasalanan eh, you just do whatever is right para maprotektahan ang isa't isa." saad ni Joshua.

"oo nga so wag na kayo mag-alala magkaka-ayos din tayong lahat." dagdag pa ni Yves.

"salamat sa inyong lahat guys." pahabol ni Maris.

Napagpasyahan nila na umuwi na muna para makapagpahinga at magprepare sa last day ng exam kinabukasan.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteWo Geschichten leben. Entdecke jetzt