Ang simula - Pangarap

1.2K 25 0
                                    

Maris POV
"Pangarap kong makarating sa buwan at lumipad hanggang doon sa kalawakan
Nais kong habulin ang pag-ikot ng mundo sumabay sa awit ko...
Sasakay ako sa aking pangarap hanggat ang kasama ko'y ikaw may liwanag"
Napakanta ako habang naggigitara kasalukuyan akong nandito sa terrace ng bago naming bahay. Medyo sad ako ngayon kaya dinadaan ko na lang sa kanta.

"Ate pasok ka na daw kakain na tayo" yaya ng bunso kong kapatid.

"Ok sige Mica susunod ako."tugon ko

Di pa din ako nakatayo sa pagkakaupo ko medyo kinakapa ko ang gitara ko aakmang tutugtog ng isa pang kanta ng may bigla kumalabit sa akin.

"Uy Mariestella Tara na ikaw na lang ang wala sa hapunan tigilan mo na muna yan". Si ate Tin pala na nakapamewang pa habang hinihintay ako na tumayo.

"Ok ate eto na po tatayo na ko hehe" sabi ko naman.

"O anu ba yan Maris bakit ang hirap mong tawagin ayaw mo bitawan yang gitara mo maghapon mo na yang hawak ah." Sermon ni Mama.

"Ma naman hayaan mo na yang si Maris malaki na yan kaya niya na ang sarili niya kakain yan kung gutom di ba anak?" Sabi ni Papa sabay kindat.

"Hay nako kung di ko pa tatarayan eh di ka susunod eh" gatong naman ni ate Tin

"Pansin ko lang kay ate Mars parang malungkot siya". Sabi naman ni Mica

Sabay sabay kami tumahimik habang kumakain.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hmm naalala niyo ba nung intro sinabi ko na napaluwas kami dito sa Manila dahil sa isang trahedya?? Oo trahedya na akala ko sa Pelikula lang nagyayari. Hanggat maari ayaw namin ipaalam kung saan kami nanggaling kung ano ang background namin at kung bakit kami napadpad dito sa Manila. Ang totoo wala kaming kamag anak ni kaibigan dito. Kinailangan naming lunayo para maging ligtas ang pamilya namin. Ligtas saan?? Di ko pa ata kaya ungkatin parang gusto ko na kalimutan ang mga nagyari sa Probinsya. Ngayon sinusubukan nina Mama at Papa na magsimula. Yung ibalik ang negosyo namin para maibigay ulit sa amin ang normal na buhay. Kaya naman ipinangako ko sa sarili na ko magsusumikap ako sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho para na din makatulong kina Mama at Papa pati na din sa ate ko na kasalukuyang huminto sa pag aaral para makapagtrabaho at makabigay ng tulong sa gastusin dito sa bahay. Kung noon sagana kami sa lahat ng bagay ngayon iba di man halata kina Mama at Papa pero alam ko nahihirapan na sila.

Kinabukasan....
"Henry sigurado ka na ba jan sa gagawin natin. Alam mo naman na mahal na mahal ito ng anak mo. Ikaw na din may sabi na hinding hindi mo to babawiin sa anak mo" narinig kong sabi ni Mama habang nakapikit ako na tila naguusap sila sa harap ng pinto ng kwarto ko.

"Ma ayaw ko man gawin to pero alam mo naman na makakatulong ito tska sangla lang naman tutubusin ko din oras na magkapera ako." Malumanay na sambit ni Papa.
Maya maya tanging yabag na lang ng mga paa na unti unting humihina. Sa palagay ko pababa na sila ng hagdan. Agad naman akong tumayo sa higaan at lumabas ng kwarto. Sa hagdan pa lang ako ng may maaninag akong apat na lalaki na kausap ni Papa sa sala. At maya maya di ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Parang nakakapanghina ng tuhod nang makita kong unti unting binubuhat ng apat na lalaki ang Piano na regalo sa akin ni Papa nung 7 y/o pa lang ako. Nung nailabas na ang Piano agad na ako tumakbo papunta sa kwarto ko habang pinapahid ang luha ko. Nakita ako ni Papa sa may hagdan pero bago niya pa malaman na umiiyak ma pala ako tumalikod agad ako at heto na nga nasa kwarto na ako. Narinig ko na umakyat din si Papa at kumatok sa pinto.

"Maris anak pagpasensyahan mo na si Papa sa ngayon ito muna naiisip kong paraan..baba a wiin ko yun pa a ra sa yo pangako" nauutal na sambit ni Papa at bumaba na ulit ng hagdan.

Natanaw ko na lang sa bintana ang malaking truck kung saan isinakay ang piano ko. Nakakalungkot lang dahil isa yung sa mga bagay na kasama sa magandang ala ala na ayaw kong kalimutan pero mukhang kailangan ko na din ibaon sa limot kasabay ng pag agos sa bagong yugto na aming buhay.










B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteWhere stories live. Discover now