First Meet

853 21 0
                                    

Kapwa di magkakibuan ang mga estudyante sa Block 2. Sa kaunti nilang bilang expected na madali silang magiging close. Pero dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga karakter di naging madali ang kanilang pag aadjust.

At the Cafeteria..

"Ang haba ng pila medyo tomguts na KO buti na lang classmates tayo sakto di ba lilibre mo KO ng lunch? " lambing ni Janella.

"Haha.. Oo na mukhang wala akong kawala sa yo eh sige na treat na kita" ngiting sabi ni Elmo.

Sa di kalayuan ng pila...

"Uy teka bawal sumingit sa pila ah"paninita ni Yves sa lalaking estudyanteng taga kabilang block.

"Nauna si Maris sa yo oy dun ka pumila sa likod". Dagdag pa ni Yves na syang NASA likod ni Maris.

"Ah ahm Hindi sige ano ok lang yaan mo na lang sya. " nahihiyang sabi ni Maris na gusto na lang matigil ang bangayan.

"Pakialam mo ba ha bakit syota mo ba siya ha? "Malakas na loob na sagot ng lalaki palibhasa matangkad ng kaunti Kay Yves.

"Aba loko to ah baka gusto mong... "natigil si Yves ng awatin sya ni Diego na tumungo agad sa pila nila dahil nakita niyang medyo mainit ang ulo ni Yves.

"Insan anong nangyayari dito?? tanong ni Diego at humarap sa lalaking kausap ni Yves na tila naman nasindak dahil sa laki ni Diego kaya naman kusa ng umalis at di na nakipagsagutan pa.

"Wala ka pala eh ano ha? " pananakot ni Yves na animo ay susundan pa Sana ang lalaki pero naharang ni Maris.

"Ahm tama na wala na sya. "mahinhin na sabi ni Maris na naktingala sa magpinsan.

"Ok ka lang ba? "tanong ni Diego na halatang concern.

"Oo salamat sa inyong dalawa". sabi ni Maris sa dalawa.

"Sa susunod wag kang papayag na maunahan ka sa pila ha"sabi naman ni Yves Kay Maris na sya namang tumango bilang pagtugon.

"Ganito na lang since block mates naman tayo sumabay ka na lang sa amin paglunch para safe". Suggest ni Diego sabay tapik Kay Yves.

"Oo nga.. "Abot tengang ngiti ni Yves."

Patapos kumain sina Janella at Elmo ganun din sina Maris ,Diego at Yves. Nakapwesto sila sa magkabilang mesa.

Maya Maya tila may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa labas ng Cafeteria na siya namang nakapukaw ng pansin sa halos lahat ng estudyante maging sa loob ng cafeteria.

Kasalukuyang naglalakad si Joshua nang mapansin ang familiar na mukha isang lalaki na puro dugo ang kamao.

"Ano kaya mo KO huh ano? " galit na galit na bigkas ni Ronnie habang hawak ang kwelyo ng isang estudyante na duguan ang mukha.

"Anong tiningin tingin niyo ha gusto niyo ding makatikim? "Pag amba ni Ronnie at nag-alisan naman ang mga chismosong estudyante.

"Sa susunod kasi kilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo"sabi niya at iniwang nakahandusay sa sahig ang duguang estudyante.

Habang si Joshua ay NASA likod ng poste na kanina pa nasaksihan kung ano ang nangyari at agad nilapitan ang lalaking duguan. "Ok ka lang kaya mo pa tumayo? "tanong ni Josh sa lalaking di na makakilos.

"Oh pre ano nangyari sa kanya? " tanong ni Elmo ng mapadaan sila ni Janella sa kinaroonan ni Joshua.

"Patulong dalhin natin sa clinic. "Pakiusap ni Josh at agad naman siyang tinulungan ni Elmo na maiangat ang lalaki at dahan dahang dinala sa Clinic.

"Sino may gawa sa kaniya nito? "Tanong ni Janella pagkalabas nilang 3 sa Clinic.

"Hmm tssk yung Ronnie na classmate natin. "Sabi ni Josh na nakatingin sa labas ng hallway nang makita si Ronnie na nakupo magisa sa waiting shed.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteWhere stories live. Discover now