Crazy Ride Part 2

418 9 0
                                    

Joshua's POV

Maaga ako nagising para maghanda ng almusal bago kami bumiyahe.

"oh morning pare gising ka na pala. " natuwa naman ako kay Diego na maaga din gumising.

"yeah kailangan maaga since ako magdadrive hehe." naupo siya kasama ko sa kusina.

"oh heto kape tska may pandesal akong binili almusal muna tayo. " sabay abot ko ng mug sa kanya.

" salamat pare. " ngumiti siya na halatang antok pa.

Maya maya...

"oh Inigs morning coffee?" alok ko kay Inigo na gising na din.

"ah.. " pinutol ko yung sasabihin niya nang makita kong mukhang tatanggi pa.

" halika dito ka na maupo magkape tayo. Titimplahan kita ng masarap na kape. " pinaupo ko siya sa tabi ni Diego at tinapik ang balikat niya pahiwatig na ako nang bahala sa almusal niya.

"oh Diego san ka pupunta?" tanong ko nang aambang tatayo sa Diego.

"dito muna tayo magalmusal eto pa kape oh pampagising. " nilagyan ko ulit yung mug niya ng kape wala naman siyang nagawa kundi magstay sa pwesto niya.

Ang tahimik nilang dalawa puro kuliglig lang naririnig ko.

" nga pala matanong ko lang paano kayo nagkakilala? " basag ko sa katahimikan nilang dalawa.

" ah eh.. " si Diego na napatingin kay Inigo na parehong di makapagsalita.

" ano ahm we're classmate since kinder. " saad ni Inigo at tumango lang si Diego.

Tumahimik ulit ang paligid. Haays itong dalawang to mukhang may problema sa isa't isa eh di nagkikibuan. Magtatanong pa sana ulit ako kaso..

" ah sige check ko lang yung van. " tumayo si Diego at lumabas.

" can i take a shower pare? " tanong ni Inigo.

" ah sige dun yung cr. " wala na kong nagawa di ko pala kayang pag-ayusin yung dalawa.

Maya maya isa isa ng bumangon sina Ronnie, Elmo at huling nagising si Yves. Matapos mag-almusal ay isa isa na kaming nagpa-pogi bago pa sunduin ang mga girls.

Beep beep...

" girls theyre here. " excited na saad ni Janella.

" ako na diyan. " sabay kuha ni Elmo sa bag ni Janella at inalalayan papasok ng van.

Si Diego ang nagdrive katabi si Yves at Joshua sa front seat habang sina Ronnie, Loisa Janella at Elmo ang magkakatabi sa dulo ng van at naiwan naman bali sa gitna sina Sofia, Maris Inigo at humabol si Julia na naupo sa tabi ni Inigo.

"here we go Batangas!!!! " sigaw ni Yves nang paandarin na ni Diego ang van.

" hey guys we have chicha in here oh. " iniabot naman ni Sofia ang mga snacks na nabili ng girls.

" this taste good Maris try it. " isinubo ni Inigo ang pirasong potato chips na siya namang ikinagulat ni Maris at kinilig naman ang mga kasama nila sa van habang si Diego nang makita ang dalawa ay bigla napabilis ang takbo ng sasakyan at si Julia na asar na asar sa nakita.

" eto Julia oh masarap din ito try mo. " iniabot ni Joshua ang isa pang potato chips kay Julia nang mapansin niyang mukhang nagselos ang isa.

" ahem.. " pang-aasar ni Yves kay Joshua at napaismid naman si Julia pero kinuha din ang binigay ni Joshua.

" thank you. " saad ni Julia na may pagkasarkastika pa din pero napangiti naman si Joshua.

Dalawang oras na sila nasa byahe inabutan sila ng traffic sa SLEX at napagpasyahan na huminto muna saglit sa isang fast food.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant