Chapter 18 - Reason

Magsimula sa umpisa
                                    

Nandito ako sa hardin at kasamang naglalaro ng mga batang babae meron ding nagbabantay na delta kasama narin si Roki na  busangot ang mukha dahil hindi ko pinatuloy ang pagkain nito sa mga kaluliwa lalo na kay Samantha, syempre may kabaitan parin naman ako kahit papano.

At yung mga kalahok na nasawi sa laban ay nabuhay muli,dahil yon sa espadang ginamit ko,may kakayahan itong kumuha at magbalik ng kaluluwang napatay nito.

Hindi naman sa namatay agad sila sa laban namin,kumbaga parang saglit kong kinuha ang kanilang buhay at agad ibinalik.

Wala naman silang ginagawang masama sa akin,sumunod lang sila sa utos ni Samantha pero ngayon ako na ang masusunod dahil hawak ko na ang buhay ni Samantha pero wala naman talaga akony planong patayin sya agad eh,hangang laban lang talaga ang gusto ko.

"Roki!"tawag ko dito pero di ako pinansin,ay..nagtatampo?

"Uy Roki! "Tawag ko ulit pero dinaman ako pinansin kaya kinuha ko ang sandals ko at pinukol sa kanya kaya ayun sapul!!

"Aray!!bushet!!!"napatingin ito sa akin at tila pikon,bwahahaha

"Bakit ba?mahal na LUNA?!"sabi nito na nilakasan pa talaga ang salitang luna

"Nagagalit ka ba sa akin?"tanong ko habang nakanguso

"Hindi no"sabi nya at umiwas ng tingin

"Nagagalit ka eh...."sabi ko habang may namumuong luha sa mata ko

Tila nataranta naman ang mga delta kaya kinalabit nila si Roki at isinesenyas na iiyak na ako.

"Hmp!kunyare lang yan"sabi pa nito pero pumalahaw na ako ng iyak kaya nataranta silang lahat.

"What the fvck is going on here?!!"sabi ni alpha na narito napala,agad akong tumakbo papunta dito at pinulupot ko ang aking mga kamay sa leeg nya.

Masama nitong tinignan si Roki nakinalunok nito,bigla naman itong yumuko at panay hingi ng paumanhin.

Bigla akong natawa sa ginawa nya ,si alpha lang pala ang katapat nito eh.

"Biro lang Roki!!"sabi ko at tila natanggalan ito ng tinik sa lalamunan.

"Hindi mo dapat ginagawang biro ang ganyan" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likuran Si Kuya!!!

"Kuya!!"sabi ko at kasama pala nya si Ate Ezerah na bagong Zerra ng Feora

"Hindi mo dapat ginawa yon Daseri, natakot tuloy sya"napanguso ako dahil pinagsasabihan na naman nya ako,ganyan yan palagi eh.

"Tsk,hayaan mo na lang sya,besides I like seeing her happy"sabi naman ni alpha kaya napangiti ako.

"Kahit na, hindi parin tama yon,humingi ka ng tawad Daseri " napanguso naman ako at humarap kay Roki.

"Pasensya sya na"sabi ko na kinangiti lang nito ng alanganin dahil parang labag pa sa kalooban ko ang paghingi ng tawad.

Napabuntong hininga nalang si alpha at inakay nalang ako pero ng madaanan namin si Roki ay pasimple kong tinapakan ang paa nya na kinadaing nito.

"Showwy "sabi ko at napangiti ng pilya ^_^

____________________

ZERUX'S POV

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako natutulog dahil marami akong iniisip

Habang ang mate ko naman ay nasa higaan na at mahimbing ng natutulog kayakap ang manikang kamuhka ko.

Hangang ngayon ay iniisip mo parin ang sinabi ng Jeran na iyon.

Sabi sa akin ni Dark ang inner wolf ko.

Yes bud,nag-aalala lang ako kung ano ang mararamdaman ni Daseri if she finds out

Sabi ko naman at nagsalin ng alak sa baso

Don't worry, hangat narito tayo ay hindi natin sya papabayaan.

I know buddy. ..I know. ..

Sabi ko at tinungga ang alak sa baso.

Nang malaman ko ang dahilan kung bakit ako ang pinili ng moon goddess ay napakasaya ko pero aaminin ko hindi biro ang napakatagal na panahon na wala akong mate,pero ipapangako ko ngayon na I will love her at hindi ipaparanas sa kanya ng damuhong Agri na iyon ang paggamit nito kay Lilith.

Pero ang inaalala ko ay ang huling sinabi ni Jeran

"Ang Feora. ...malapit ng maglaho at mawasak...."

_____________________

Itutuloy. ........................

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon