PROLOGUE

530 11 1
                                    

Sa palasyo ng mga Royal Vampires. Lahat ay nagkakagulo dahil sinugod sila ng kanilang immortal na kaaway. Ang mga hybrids at insane vampires sila ang mga masasamang bampira na walang habas kung pumatay. Sakim sila sa kapangyarihan at gustong masakop ang buong mundo at nais nila itong pamunuan. Gusto nila sila lang ang malakas at sinasamba.


Ngunit hindi sila nagtatagumpay sa mga masasamang balak nila dahil may mga mabubuting bampira ang pumipigil sa kanila.

Ang mga semi vampires, sila ang mga taong nakagat ng mga bampira ngunit hindi sila nabaliw dahil nakayanan nila ang kagat at laway ng bampira na pumasok sa kanilang katawan. Sila ang mga nagsisilbi sa palasyo at sa mga distrikto. Sila ang nagiging tagabantay o tigatanggol sa ibang mas nakatataas pang lahi ng mga bampira.


Ang mga half blood vampires, sila ang mga bampirang may lahing tao. Halimbawa ang ina o ama niya ay may lahing bampira at nakapag asawa ng mortal na tao at nagkaanak sila. Iyon ang half blood vampires. Sila rin ang mga tapat at maaasahang bampira. Nagsasanay sila sa pakikipaglaban upang maprotektahan ang distriktong kanilang sinasakupan. Ipinaganak din sila upang pagsilbihan ang mga Royal blood vampires.


Ang mga pure blood vampires, sila ang mga bampirang may purong dugo ng bampira at walang lahing tao o kahit ano 'man. Mga tapat na bampira at karamihan sa mga pure blood vampires ay namumuno sa council. Sila ay pinamumunuan ng mga kaharian sa bawat distrikto.




Ang mga Royal blood vampires, sila ang mga bampirang unang nag exist sa mundo. Sila ang biniyayaan ng iba't ibang kapangyarihan. Mahahalintulad din sila sa mga enchanters, charmers, witch/wizard. May taglay rin silang kapangyarihan mula sa iba't ibang elemento. Sila ang namumuno sa bawat distrikto at kaharian. Sa madaling salita sila ang pinaka makapangyarihan sa lahat ng lahing bampira.


Ang mga lahing hybrids vampires, sila ang mga masasamang lahi ng mga bampira. May kakayahan silang mag anyong paniki dahil nahaluan ang kanilang lahi ng mga underworld creatures. Sakim, sabik sa trono, walang awa, walang habas na pumapatay sa mga inosenteng tao. Ang mga hybrids ang kalaban ng apat na lahi ng mga bampira.


Ang insane vampires, sila ang mga taong walang lahing bampira na nakagat kaya nabaliw dahil hindi nila nakayanan ang lasong dala ng laway ng mga bampira. Kontrolado sila ng mga lahing hybrids.





Kasalukuyan ngayong nagdidigmaan sa bawat palasyo at distrikto. Marami na ang namamatay. Dugo at abo ang nagkalat sa bawat lugar. Sira sira na rin ang bawat lugar. Malapit ng magtapos ang digmaan ngunit ang dalawang panig ay hindi pa rin tumitigil hanggang sa maubos ang kalabang lahi.


Sa palasyo naman ng mga Royal vampires, may isang reyna na nagtatago at pinoprotektahan ang kanyang anak na isang prinsesa. Ang hari na asawa ng reyna ay nakikipaglaban din sa mga kaaway ng kanilang lahi.


"Mahal na reyna, hindi na ligtas ang lugar na ito para sa inyong anak." Sabi ng isang babaeng half blood vampire na kanang kamay ng reyna.


"Ikaw na ang bahala sa kanya. Dalhin mo siya sa ligtas na lugar kung saan hindi siya matatagpuan ng mga kalaban. Nakikiusap ako sayo Frina iligtas mo ang anak ko." Sabi ng reyna sa kanyang kanang kamay na si Frina. Bakas sa reyna ang lungkot at pagkabahala para sa kaligtasan ng kanyang anak maging sa kanyang asawa kaya nais niya rin tumulong sa pakikipag digma.


"Ngunit mahal na reyna isa iyong mabigat na responsebilidad. Sigurado ba kayo mahal na reyna? Sa akin niyo ipagkakatiwala ang inyong munting prinsesa?" Naiiyak na sabi ni Frina ang kanang kamay ng reyna. Kapatid na rin ang turing niya sa reyna dahil mula pagkabata nila ay magkasama na sila ng reyna kaya sa kanyang isip 'gagawin ko ang lahat upang mailigtas ang iyong anak mahal na reyna' ay iyon ang sinasabi ni Frina.

The Long Lost Legendary Vampire PrincessWhere stories live. Discover now