Answer: Im...

2.6K 65 2
                                    

Pumasok na ako sa loob habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Dinig ang malalakas na kantang tumutugtog sa bawat sulok ng school.

Dinig din ang malalakas na hiyawan ng mga estudyante na nagsasaya.

Napalingon ako sa paligid.

Shet ang daming tao!

Nilabas ko ang phone ko para itext si Kyla.

Tinanong ko kung nasaan sila.

Agad naman siyang nagreply. Nasa labas daw sila ng room namin.

Shet 3rd floor pa yung aakyatin ko? Mygahd.

I sighed. Sige kaya ko to.

Sinimulan ko nang maglakad papunta sa building namin kung nasaan ang room namin.

Bakit sa dinami dami ng lugar sa room pa namin? Duhh, naka heels ako. Long gown ang suot ko. Mygahd!

Umakyat na ako sa hagdan saka tinext si Kyla na papunta na ako.

Madami akong nakakasalubong. Pero hindi ko kilala dahil lahat nakausot ng maskara.

Pagpunta ko sa harap ng room namin ay agad akong pumasok.

Nakita ko si Kyla, Jm at Jk.

Bakit siya na dito? The hell.

Tinanggal ko ang maskara ko dahil wala din naman silang suot.

"Bakit ngayon kalang?" tanong niya.

"Nalate nga si manong. Sorry." sabi ko. Ngumiti siya.

"Okay lang yan. Maya maya magsisimula din yan. Tara selfie tayo." sabi niya at itinapat ang phone niya sa mukha namin.

Ngumiti ako at pagkababa niya ng phone, hindi ko na nakita si Jk. Nasaan siya nagpunta?

"S-si Jk?" nahihiyang tanong ko. Buti nalang at hindi narinig ni Kyla dahil busy siya sa phone niya.

"Uyy namiss niya! Namiss kita par! Hahaha!" sabi niya at niyakap ako. Naks naman may nakamiss pa pala sakin.

"Hahaha sira! Nasaan nga siya?" tanong ko. Ngumuso siya sa likod niya.

Nakita ko si Jk na nakikipagusap sa mga kaklase naming babae.

Ps: walang ibang lalaki, siya lang.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

"Tara bumaba na tayo. Baka nagsisimula na." sabi ko at hinawakan sila sa kamay.

Lumabas na kami sa room.

Pero pababa palang kami sa 2nd floor ay may tumawag bigla sa akin.

"Kate! Sandali!" tumigil kami sa paglalakad at nilingon kung sino yun. Lumapit samin ang lalaking naka maskara at may binigay na papel.

"May nagpapabigay." sabi niya sabay alis. Kumunot ang noo ko at binasa ang nasa papel.

Kate,

May nilagay ako sa locker mo. Paki tignan naman please.

Ps: Youre so beautiful, Princess.

Cookies N Cream

Napangiti ako bigla. Namiss ko to ah!

"Huy anong ngiti yan?" pangaasar ni Kyla. Tinarayan ko lang siya.

"Samahan ka namin gusto mo?" tanong ni Jm. Umiling ako.

Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon