u

2K 52 1
                                    

Kyla's POV

"Kyla naman eh, sabihin mo na kasi sakin!" napapikit nalang ako ng mariin at ilang beses napamura sa isip ko.

Tangina naman eh!

"Pwede ba!? Wag mo na ko pilitin Jk kasi hindi ko din sasabihin sayo!" sabi ko at pinilit na makatakas sa pagkaka korner niya sakin pero nabigo ako.

"Nagaalala na ako kay Kate okay? Hindi ko na alam gagawin ko! Ni texts at chats ko, hindi siya nagrereply. Tawag ko di niya sinasagot. Ano ba? May tinatago ba kayo sakin?" tanong niya. Hays... Ang hirap magtago ng sikreto.

"Jk, okay lang siya. Wala kang dapat ipagalala." sabi ko at tumakbo palayo sa kanya.

Hays. Kasalanan mo to Jk eh. Kung hindi ka sana nakipag halikan dun sa ex mong mukhang hipon, edi sana nakapasok na ngayon si Kate.

Isang linggo na ang nakalipas. Dapat talaga kahapon na siya papasok. Kaso ayaw niya daw magpakita. Nawalan na ng gana kumain tapos di na nakikinig sa mga tinuturo ko sa kanya.

Dinaig pa nga yung namatayan eh.

Pumasok na ko sa room. At laking gulat ko ng tahimik dito.

Naks, may anghel ata na dumaan kaya tahimik.

Umupo na ko sa upuan ko at tinanong yung katabi ko kung ano meron.

"Pst, bakit tahimik?" tanong ko.

"Darating daw yung owner netong school eh." sagot niya. Ahh.. Ano naman meron?

"Bakit naman daw?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang may pumasok na matanda dito sa room namin. Agad kaming napatayo at bumati. Shocks yung owner nga.

"Good afternoon. First of all, nais ko kayong batiin dahil konting araw nalang ay araw na ng pagtatapos ninyo." sabi niya. Nagpalakpakan naman ang lahat kaya naki palakpak narin ako.

"Pero bago ang araw nayon, nais ko kayong imbitahan sa Masquerade Party na gaganapin sa aking kaarawan sa biyernes." omg! Nakakaexcite bessywaps!

"Maagang pagdiriwang narin ito para sa inyo na graduating." sabi niya atsaka naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Sana ay makadalo kayo." sabi niya bago umalis sa room. Naks! May pa masquerade parteehh!!

May pumasok na dalawang babae para magbigay ng invitation card. Dalawa ang hiningi ko. Para kay Kate yung isa.

Shocks naeexcite na ako! Waaahhh!

-•-

"Kate!" sigaw ko pagpasok sa bahay ni Kate. Nadatnan ko siyang kumakain ng potato chips.

Hinablot ko yon sa kanya at binigay ang isang paper bag.

"Tsk! Puro ka junkfoods! Yang lasagna nalang kainin mo." sabi ko at ako naman ang kumain sa potato chips niya.

Hindi siya nagsasalita. Binuksan niya yung paper bag saka nagsimulang kumain.

"Pst, babae... May invitation tayo." sabi ko at binigay ang isang invitation card sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"May Masquerade Party tayo bes. Birthday celebration na din ng owner ng school. Pa party nadin sating mga graduating." tumango lang siya at sumubo. Tae, snob.

"Hoy makinig ka kaya sakin! Kailangan nating pumunga diyan! Dahil balita ko din, may 5 points tayo every subject ngayon last sem. Malaking puntos nadin yon! Lalo na sayo dahil ilang araw kang hindi pumasok." sabi ko pero wala siyang reaksyon.

"Hoy ano? Hindi ka ba talaga magsasalita diyan? Hala sige, magpakamatay ka na lang kaya, ano? Napaka rupok mo! Magmamahal ka ng tao tapos hindi ka handang masaktan. Wag mo ngang hayaang maging ganyan ka nalang! Halik lang yon! Kung gusto mo rape-in mo pa siya pag umamin kana!"

"Pinapabayaan mo na sarili mo! Hoy babae! Baka nakakalimutan mo, kasama ka sa top 5! Hahayaan mo nalang bang masayang yon? Tama na yung isang linggong plinano natin!"

Hindi parin siya umiimik at patuloy lang sa pagkain.

"Hindi kana din kumakain ng maayos. Pag nangayayat ka, ano nalang sasabihin ng mama at papa mo sayo? Ano nalang idadahilan mo sa kanila? 'Sorry po ma, pa, nakita ko po kasi si Jk na may kahalikang iba eh.' ganon!?"

"Alam mo kung magpapakamatay ka sabihin mo lang sakin at ako ang papatay s--"

"Putragis naman eh! Ang ingay mo! Pwede ba manahimik ka diyan!? May sinabi ba akong di ako sasama? Sasama ako diyan okay!? Sasama ako!" natahimik ako nang bigla siyang magsalita. Omg...

Omgggg!! Sasama siya aaahhh!!

"Akala ko hindi ka sasama!" sigaw ko.

"Alam mo, oo marupok ako. Tanga ko sa pagibig pero may utak pa ko para sa mga bagay bagay." sabi niya. "At napagisipan ko na oo nga, kasali pa ko sa top5. Kailangan kong bumawi. Kaya yeah, dont yah worry. Sasali ako diyan." dugtong niya.

Ohh yeaaahh!! Thats mah girl!

"Yieee! Sabi ko na nga ba't magbabago isip mo eh!" sabi ko at niyakap siya.

"Ano bang requirements diyan?" tanong niya.

"Long gown. Siyempre maskara." sabi ko. Tumango tango siya.

"Sa friday nayan. Kaya bukas na bukas maghahanap na tayo ng gown natin." sabi ko. Tumango lang siya.

"Noted." sabi niya at uminom ng tubig.

"Pero sa friday na ako papasok." sabi niya. Huh? Bakit? Akala ko ba okay na siya?

"Akala ko ba ayos kana?" tanong ko.

"Okay na ko pero kulang pa ko sa lakas ng loob. Wag kang magalala, pagkapunta ko sa friday di na uli ako aabsent. Promise." sabi niya.

Kfine. Wala na ko magagawa.

Letters (COMPLETED)Where stories live. Discover now