Napalingon siya sa nagsalita. Isa sa mga katulong nila.

"Bakit?" Tanong niya dito.

"Ahh! Wala po may naririnig po kase akong kumakanta kaya pinuntahan ko." Anito.

"Cellphone ko lang yun."

"Aa. Sige po!"

Pagkasabe nun ay agad na itong umalis papuntang kusina. Siguro ay naghahanda para sa almusal.

Pagkaalis nito ay sinagot niya ang tawag. Mukhang hindi kase ito titigil sa pagtawag.

"Hello?" Bungad niya.

-buti naman. . After 101 years sinagot mo din.

Sagot ng nasa kabilang linya.

"Sino to?"

-ano ba yan? Paulit-ulit ka? Try mo kaya i-save ang number ko para hindi kana nagtatanong.

Kung sino man yun ay siguradong hindi niya ito kaibigan. Dahil wala siyang kaibigan na ganun makapagsalita sa kanya.

"Sino to?" Ulit niya.

-Si Mira to! Okay? Ano ba kasing ginagawa mo at ang tagal mo sagutin.

Yung babaeng laitera pala. Tsk!

At talagang tinanong pa nito kung anong ginagawa niya? Nasa Pluto ba ito para hindi nito malaman kung anong oras palang!

"What do you think Im doing?" Naiinis niyang sagot.

-Hmmm. . . Yan ka na naman sa English mo ee?! Aba malay ko kung ano ginagawa mo. Sa pagkakaalam ko kase yung mga tulad niyo sa ganitong oras gising.

"Tulad namen?"

-Oo. .

Oo nga pala! Akala nito ay akyat- bahay siya at kaya ito tumawag ng ganitong oras ay dahil akala nito ay gising siya at may inaakyat na bahay. .

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now