Oo! Magparetoke. Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.

Tss. . Sige na wala ng imposible sa kanya maliban sa magparetoke. Yan nilinaw na niya wala ng aapila!

"Baka nakakalimutan mo na ako si Mira Sebastian!" Pagyayabang niya.

-okay Fine! mamaya kana tumawag. May ginagawa ako.

"Ano naman? May pinagmemeetingan kayo noh?" Tanong niya.

-h-huh? Pano mo nalaman?

Huli ka! Sabe na nga ba at membro ito ng akyat-bahay gang. At ngayon ay may pinagmeetingan ang mga ito para sa susunod na target.

"Sabe ko na nga ba! Kaninong bahay naman ang balak niyong akyatin?"

Kaya siguro nakapasok ito sa school nila ay dahil kasapi nga ito ng akyat-bahay gang at ng malaman nito na walang tao sa library ay nagkaroon ito ng pagkakataon na tumambay doon.

-W-WHAT?

Halata sa boses nito ang pagkagulat. Siguro ay dahil sa alam na niya ang ginagawa nito at nag-aalala ito na isusumbong niya ito sa mga pulis.

"Wag kana magkaila saken alam kong membro ka ng akyat-bahay gang. Pero wag kang mag-alala dahil wala akong sasabihan."

-Sa tingin mo ba talaga akyat-bahay ako?

"Bakit hindi ba? Anong grupo ka ba kasali? Sa rugby boys, sa hithit poso gang, sa hulog barya gang o sa budol-budol gang."

Biglang tumahimik sa kabilang linya.

. . .

"Hello? Andiyan ka pa ba?

-mamaya na lang tayo mag-usap. Tatawagan kita!

"Ok . ."

Endcall.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now